Andre Yllana approves of Mayor Jay Khonghun for mom Aiko Melendez

by Arniel C. Serato
Dec 18, 2018
<p>Andre Yllana wishes mom Aiko Melendez has found her "the one" in Mayor Jay Khonghun: "Happy ako para kay Mommy dahil siyempre she's been through bad relationships in the past. So, happy ako dahil finally masaya na siya ngayon."</p>
PHOTO/S: Arniel Serato

Marami ang nakapansin sa pagiging malapit ni Andre Yllana kay Mayor Jay Khonghun, nobyo ng kanyang inang si Aiko Melendez.

Mas madalas pa raw maka-bonding ni Andre si Mayor Jay kaysa sa ama niyang si Jomari Yllana.

IMAGE Arniel Serato

Paano sila naging close ng Subic, Zambales mayor?

Tugon ng 20-anyos na binata, "Ewan ko, kasi bago naging sila, naging close muna siya sa amin.

Continue reading below ↓

"Kaya siguro may naging foundation, kaya naging close na close kami."

Pati ba ang kapatid niyang si Marthena Jickain ay close din sa boyfriend ng ina?

Saad ni Andre, "Close din. Pero si Baby [Marthena] kasi medyo matigas yun, e, kaya minsan kinikilala muna.

"Siguro noong simula medyo ganyan-ganyan pa, pero naging okay din sila."

Kung si Aiko ang tatanungin, si Mayor Jay na raw ang gusto niyang maging forever.

Ano ang masasabi ni Andre rito?

"Well, una sa lahat siyempre, happy ako para kay Mommy dahil siyempre she's been through bad relationships in the past.

"So, happy ako dahil finally masaya na siya ngayon.

"Ang importante lang naman para sa akin ay masaya si Mommy."

Dagdag pa niya, "Wala akong masabi, sobrang happy ako para kay Mommy dahil finally meron na siyang the one para sa kanya."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa birthday salubong para sa ika-43 kaarawan ni Aiko noong Sabado, December 15.

Continue reading below ↓

Ano ang wish ni Andre para sa kaarawan ng ina?

Saad niya, "Siguro happy, happy birthday, Mommy, sana lagi kang masaya.

"Wish ko lang naman sa 'yo ay good health and siyempre more years.

"I love you, Mom."

Para naman sa ina at sa nobyo nitong si Mayor Jay, sabi ni Andre, "I love you both. I hope you will stay strong."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Andre Yllana wishes mom Aiko Melendez has found her "the one" in Mayor Jay Khonghun: "Happy ako para kay Mommy dahil siyempre she's been through bad relationships in the past. So, happy ako dahil finally masaya na siya ngayon."</p>
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results