PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Batibot will return to Philippine television starting November 27

TV5 will introduce Ate Maya and Kuya Fidel as the program's new hosts.
by Bong Godinez
Published Nov 22, 2010
The well-loved Pinoy children's show, Batibot, will make its anticipated return on November 27, 2010. It will air every Saturday from 8:30 to 9:00 a.m. on TV5. Ate Maya (Kakki Teodoro) and Kuya Fidel (Abner Delina) will serve as the hosts.

Walong taon matapos mamaalam sa telebisyon ay muling nagbabalik ang popular na Filipino children's program na Batibot.

Sa press conference na ipinatawag noong Sabado, November 20, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay masayang ibinalita ng executive producer nito na si Feny de los Angeles-Bautista, na tuloy na tuloy na ang pag-ere ng bagong season itong darating na Sabado, November 27, 2010. Mapapanood ito mula 8:30 to 9:00 a.m. sa TV5.

Masayang bungad ni Teacher Feny: "Sa kasal daw 'di ba merong something old, something new, something borrowed—parang ganun din siguro sa Batibot. Something old, andiyan pa din ang mga dating kaibigan katulad nila Manang Bola, sila Ningning at Gingging—ang magkapatid na sa pamamagitan nila nasasalamin namin para sa mga bata ang buhay pamilya na napakahalaga para sa kanila.

"Si Kapitan Basa, may bago din sa kanya, kasi ngayon mas marami na siyang super powers at tsaka may kontra bida na sa Batibot. This time mas malakas ang loob ko na magpasok ng kontrabida, mga kontrabida na magiging hadlang sa pagkatuto ng mga bata... Pero si Kapitan Basa 'yong super powers niya laging may kaugnayan sa pagpapalalim at pagpapalawig ng kakayahan ng mga bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman magbabalik sina Kiko Matsing at Pong Pagong—ang dalawang pinakasikat na muppets ng programa—dahil nasa pangangalaga na ang mga ito ng U.S.-based company na Children's Television Workshop (CTW).

NEW PLAYMATES. Bukod siyempre sa mga cute at adorable muppets ay hindi rin mawawala ang mga karakter na ginagampanan ng mga tunay na indibidwal.

Sino nga naman ang makakalimot sa mga kuwento ni Kuya Bodjie (Bodjie Pascual) at aral na ibinabahagi ni Ate Sienna (Sienna Olaso) sa mga batang manunood.

Ngayon ay pangungunahan naman nina Ate Maya (Kakki Teodoro) at Kuya Fidel (Abner Delina) ang bagong barkada ng Batibot.

Ipinaliwanag ni Teacher Fely na sinadya nilang bigyan ng palayaw at ilayo sa kanilang tunay na pangalan ang karakter na gagampanan nila Kakki at Abner.

"Learning also from the experience of Sienna and Bodjie, I told Kakki and Abner that we will give them screen names this time so you can have life outside the show and para ma-build pa nila 'yong careers nila. Hindi lang sila puwede mag-bold, kailangan behave pa din sila," natatawang sabi ni Teacher Fely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi si Bodjie talaga, he's such an excellent actor pero hindi niya ma-shake off 'yong Kuya Bodjie character, and then of course si Ate Sienna. They did their comeback segments, starstruck 'yong mga crew, nakakaaliw kasi nagpapa-picture sila with them."

Laking Batibot ang 22-year-old stage actress na si Kakki. Nung nakita nga daw niya sina Kuya Bodjie at Ate Sienna sa set ay gusto niyang "yakapin" ang dalawa.

Alam ni Kakki na malaking papel ang pupunan nila ni Abner bilang mga bagong mukha ng paboritong children's show.

"Mahal ko rin po kasi ang mga bata at kung papaano ko po minahal sila Kuya Bodjie noon, gusto ko lang po maging sarili ko, sarili kong Ate Maya. Hindi ko pa po masasabi kung mamahalin nila ako. Basta ang alam ko po na if I true stay to myself, the kids will respond.

"Confident naman po ako sa amin ni Abner na mamahalin kami ng kids dahil mahal din namin sila," tugon ni Kakki, na kasalukuyang napapanood sa musical play na Magsimula Ka.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MODERN AUDIENCE, TOUGH CHALLENGES. Malaki ang kaibahan ng mga kabataan ngayon kumpara noong panahon bago mawala ang Batibot sa ere.

Mula ng magsimula ang programa noong May 14, 1984, hanggang huminto ito nung June 30, 2002, ay marami na ring pagbabagong nasaksihan ang programa sa mga manunood nito dulot na rin nagbabagong panahon.

Subalit mas malaki raw ang pagkakaiba sa ngayon dulot na rin ng mabilis na takbo ng teknolohiya.

Sa ngayon kasi ay usong-uso na ang cable television at kapansin-pansin rin ang bayolenteng tema ng mga cartoons at anime programs. Malaki rin ang nagawa ng Internet at cellphones para maimpluwensiyahan ang kaisipan ng modernong kabataan.

Nabanggit during the press conference ang bumababang antas ng pagpapahalaga ng mga bata ngayon sa tamang paggamit ng salita at bokabularyo, lalong lalo na sa wikang Filipino.

Aminado si Teacher Fely na mas malaki ang papel na gagampanan ng Batibot ngayon, at mas mahirap din dahil marami silang kaagaw sa atensiyon ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, ang role ko po sa Batibot ever since, ako si Teacher Fely pero ako din po ang primary student of children. My job has always been to study the child audience and stay attuned to the child audience. Isa pong na-realize ko and it's also one main motivation for wanting to bring Batibot back, Filipino as a language is lost on our children.

"Hindi po natin mapagkakaila na hirap na hirap sila sa Filipino. Ang daming bata bumabagsak pa sa Filipino as a subject. Kasi Filipino, as it is taught in the classrooms, is more difficult than the colloquial day to day language that we speak. So isa po 'yon sa problema natin. Hirap din sila sa English, so ano tayo, language disabled.

"At para sa isang bansa, para ang mga kabataan hindi ganap na maunawaan o mabigkas ang sariling lenggwahe, napakalungkot po. So that is also one main motivation for wanting to bring Batibot back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For now, the language policy that I have to institute for the scripts, to be honest, is lower level Filipino than what Batibot used to do. It's very sad. But I'm also hopeful that Batibot will now be a bridge, again, to improve the language learning in Filipino of children.

"Kasi kahit po dina-dub na ang animation in Filipino, pinapakinggan ko, mababa ang level of language proficiency. Kung gusto ko maging manunulat sa Filipino, hindi sapat 'yon, hindi ganung level. Kung gusto ko rin pumasa sa eskuwelahan, hindi rin sapat 'yon.

"So, ibi-bridge po ng Batibot ulit, sisikapin naming tugunan 'yong kakayahan ng bata. 'Yong very confused language, 'yong sinasabi nilang jejemon ba 'yon? Hindi ko maintindihan.

"Hindi maumpisahan at matapos ang isang pangungusap sa sariling wika, or we can't even speak English fluently even if we spent years learning English in school, watching television, watching movies, reading books... Sana makatulong ang Batibot maitulay ulit 'yong mga kakulangan na 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The well-loved Pinoy children's show, Batibot, will make its anticipated return on November 27, 2010. It will air every Saturday from 8:30 to 9:00 a.m. on TV5. Ate Maya (Kakki Teodoro) and Kuya Fidel (Abner Delina) will serve as the hosts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results