Vilma Santos can hardly wait for Luis Manzano, Jessy Mendiola to get married

by Rachelle Siazon
Dec 18, 2018
<p>Why Vilma Santos approves of Jessy Mendiola for son Luis Manzano? The actress-politician says, "Every time they are here with me, sa lahat ng kalokohan ng anak ko, ang unang-unang tumatawa, si Jessy... nagsu-swak yung character nilang dalawang ng anak kong si Lucky."</p>
PHOTO/S: Mark Atienza / @senorita_jessy Instagram

Aminado si Vilma Santos na naiinip na siya sa paghihintay kung kailan lalagay sa tahimik ang anak niyang si Luis Manzano at girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Boto raw si Vilma kay Jessy bilang future wife ni Luis.

At naniniwala ang congressman ng Lipa City, Batangas, na nasa hustong edad na sina Luis, 37, at Jessy, 26, upang magpakasal.

Sabi ni Vilma, "Siyempre naiinip na rin ako dahil ang feeling ko, kung yun ay para sa kanilang dalawa, sana ay go na.

"Pero at the end of the day, uulitin ko lang, ang huling magdedesisyon, silang dalawa, kasi silang dalawa ang magsasama.

"Pero kung sila naman, sana matuloy na."

Nakapanayam si Vilma via phone patch habang si Jessy ang celebrity guest sa umereng episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong araw, December 18.

Matamis ang pagkakangiti ni Jessy habang nakikinig sa positive feedback sa kanya ng ina ng nobyong si Luis.

Continue reading below ↓

Nabanggit kasi ni Vilma na saksi siya kung paanong magmahalan ang couple.

"Every time they are here with me, sa lahat ng kalokohan ng anak ko, ang unang-unang tumatawa, si Jessy.

"Kapag magkasama sila, cool lang naman si Jessy. She has a very charming personality.

"So, siguro kahit paano nagsu-swak yung character nilang dalawang ng anak kong si Lucky."

Natutuwa raw si Vilma na makitang kayang sakyan ni Jessy ang mga kalokohan ng anak.

Patuloy ng actress-politician, "Kasi si Lucky, let's face it, ilang taon na rin ang anak ko, 37. Jessy is 26. So, mayroon silang age gap.

"So, siguro yung age na yun, yung in between ay nagko-compliment sila sa isa't isa. So I think doon silang dalawa nagki-click."

Sa parte ni Jessy, nagpasalamat siya kay Vilma dahil parang "anak" na rin ang turing nito sa kanya.

Tulad ng endearment ni Luis sa ina ay "Momski" na rin ang tawag ni Jessy sa kongresista.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jessy, "Momski, thank you po sa pagmamahal.

"Tuwing nandiyan ako sa inyo ay palagi niyo akong niyayakap at palagi niyo akong sinasabihan ng advice. Thank you lang po.

"Sobrang bait niyo lang po. I hope to see you very soon. Miss ka na po namin. I love you Momski!"

Hindi napigilan ni Jessy na maluha nang ipagtanggol siya ni Vilma laban sa mga taong hindi siya gusto.

"Sometimes mahirap tayong ma-good shot sa tao dahil lang sa nakikita natin," sabi ni Vilma, na tila aminado sa pambabatikos na natatamasa ni Jessy sa social media.

Patuloy ng Star For All Seasons, "Pero ang importante, dapat kilalanin niyo muna ang tao.

"At pag sinuportahan niyo si Jessy, tandaan niyo, sasabihin ko, hindi kayo magsisisi."

Read Next
Read More Stories About
Jessy Mendiola, Luis Manzano
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Why Vilma Santos approves of Jessy Mendiola for son Luis Manzano? The actress-politician says, "Every time they are here with me, sa lahat ng kalokohan ng anak ko, ang unang-unang tumatawa, si Jessy... nagsu-swak yung character nilang dalawang ng anak kong si Lucky."</p>
PHOTO/S: Mark Atienza / @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results