Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli keep holding hands in Cebu school visit

by Rachelle Siazon
Dec 19, 2018
<p>Real-life couple Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli serve lots of kilig as they seemed inseparable while spending time together, catching up with his relatives, and visiting hearing-impaired kids in Cebu. </p>
PHOTO/S: @mateoguidicelli / CTTO via @isgfan / @chrisrodil Instagram

Tila hindi mapaghiwalay ang magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli habang naglilibot sa hometown ng binata sa Cebu kahapon, December 18.

Panay ang holding hands ng dalawa nang bisitahin nila ang mga estudyante ng Gualandi Effata Catholic School for the Hearing Impaired.

Pagpasok pa lang ng classroom ay magkahawak-kamay na ang dalawa.

Hindi sila bumitaw sa isa't isa habang masayang pinanonood ang pagkanta ng Christmas song ng mga bata.

Habang nagbibigay ng instruction si Matteo sa mga bata na kumanta ng "O Holy Night" ay magka-holding hands pa rin sila ni Sarah.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Sarah sa Cebu kasama ang mga kaanak ni Matteo.

Base sa fan account ng couple, nakunan silang kumakain ng lunch kasama ang lola ni Matteo at mga kapatid ng binata.

View this post on Instagram

Lunch with Matteo's grandma ???? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Makikitang kumportable si Sarah sa piling ng mga ito.

View this post on Instagram

Enjoy eating, love! ???? #AshMatt #SarahGeronimo #MatteoGuidicelli #SarahG

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Limang taon nang magkarelasyon sina Matteo at Sarah.

Nagdiwang sila ng kanilang fifth anniversary sa Italy noong September.

Continue reading below ↓

May mga lumabas na espekulasyong nag-propose noon si Matteo kay Sarah.

Todo-iwas ang Kapamilya actor-singer tungkol dito nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 20.

Pero kung anu't ano man, bukas sa pagsasabi si Matteo kung gaano nito kamahal si Sarah at secure sila sa tibay ng kanilang relasyon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Real-life couple Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli serve lots of kilig as they seemed inseparable while spending time together, catching up with his relatives, and visiting hearing-impaired kids in Cebu. </p>
PHOTO/S: @mateoguidicelli / CTTO via @isgfan / @chrisrodil Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results