Iza Calzado and Ben Wintle are now married

by Rachelle Siazon
Dec 19, 2018
<p>Excerpt of Iza Calzado's wedding vow to Ben Wintle: "It may have taken time for us to take this big leap. But the time that it took for us to prepare the ingredients for the sweet delicacy called our marriage is just perfect. Because I stand before you today knowing that I have never been sure of anything in my life."</p>
PHOTO/S: @officialtimyap Instagram / Noel Ferrer Facebook

Sa wakas ay kasal na ang long-time couple na sina Iza Calzado at Ben Wintle.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay ginanap sa Club Paradise Resort sa Coron, Palawan, ngayon Miyerkules ng hapon, December 19.

As early as 4 p.m., nasa venue na ang groom na si Ben at halatang excited na sa kanyang first look sa bride.

View this post on Instagram

First look of the groom #becomingmrswintle

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Pasado alas singko ng hapon, dumating si Iza at lumakad sa beach, sa isang aisle na puno ng flowers.

Ang kapatid niyang si Dash Calzado ang nag-escort sa ulila nang si Iza papunta kay Ben.

View this post on Instagram

And the bride @missizacalzado walks down the aisle to be Mrs @benmwintle #BecomingMrsWintle

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on

Sa haba ng hinintay nila bago lumagay sa tahimik—six years bilang mag-sweetheart—tinapatan ni Iza ng maramdaming wedding vows ang mapapangasawang si Ben.

Ani Iza, "Yes, Ben, you are handsome. But this is the least most beautiful thing about you. You are so much more than just beautiful.

"I love your kind and compassionate heart. I love your humor, your gentle soul. I love that you are smart, and hardworking, and that you're a great leader. I love that you are adventurous."

Continue reading below ↓

Natawa ang mga guests nila sa sinabi pa ni Iza, "Believe it or not, I love your poop stories."

Pagkatapos ay nangako si Iza na mas ipaparamdam niya ang pagmamahal kay Ben ngayong kasal na sila.

"I promise to love you and respect you and honor in every way that I can.

"I promise to trust you knowing that you will always make good choices.

"I promise to always remind you about things with a loving tone not a nagging one.

"I promise to learn to cook better because I know this makes you happy.

"I promise to make you a priority over my phone because I know that you want quality time and this is your love language."

Patuloy ni Iza: "I can truly say that I met my prince at a ball. And I am now marrying the true king of my heart.

"You are everything I wished for and manifested in a man.

Continue reading below ↓

"It may have taken time for us to take this big leap. But the time that it took for us to prepare the ingredients for the sweet delicacy called our marriage is just perfect.

"Because I stand before you today knowing that I have never been sure of anything in my life."

Continue reading below ↓

Ang mga kapwa "forever Sanggre's" ni Iza—Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at Karylle—ay nanguna bilang very special guests ng couple.

Pinatotohanan nina Iza at Ben na walang pinipiling pagkakataon ang pag-ibig.

Taong 2011 unang nakilala ni Iza si Ben sa isang magazine event.

Noong panahong iyon ay kakagaling lang ni Iza sa breakup ng boyfriend niya noong si Atticus King.

Ngunit ayon kay Iza, noong gabing nakilala niya si Ben, ipinangako niya sa sarili na bubuksan niya muli ang puso sa pagkakataong umibig muli.

Kaya nang hingin ni Ben ang kanyang Facebook noong magkakilanlan sila, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Iza at diretsahang ibinigay ng aktres ang mobile number sa binata.

Mula noon ay hindi na napaghiwalay pa ang dalawa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Excerpt of Iza Calzado's wedding vow to Ben Wintle: "It may have taken time for us to take this big leap. But the time that it took for us to prepare the ingredients for the sweet delicacy called our marriage is just perfect. Because I stand before you today knowing that I have never been sure of anything in my life."</p>
PHOTO/S: @officialtimyap Instagram / Noel Ferrer Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results