Cristine Reyes, Ali Khatibi together for daughter Amarah Khatibi's Christmas party

by Arniel C. Serato
Dec 20, 2018
<p>Amarah Khatibi seems so happy seeing her parents together at her Christmas party. </p>
PHOTO/S: Courtesy: Amarah Khatibi on Facebook

Matagal na ang bulung-bulungang hiwalay na raw sina Cristine Reyes at asawa nitong si Ali Khatibi, ngunit hanggang ngayon ay wala pang nagkukumpirma sa kanila tungkol dito.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngunit kagabi, December 19, isang masayang pamilya ang makikita sa post sa Facebook account ng anak nilang si Amarah Khatibi.

Sabi sa caption ng post, “Thank you Mommy and Daddy for being with me today. I love you both. #mommyanddaddyonly #christmasparty2018.”

Continue reading below ↓
IMAGE Courtesy: Amarah Khatibi on Facebook

Sa mga larawan ay makikitang masaya silang pamilya.

Continue reading below ↓
IMAGE Courtesy: Amarah Khatibi on Facebook
IMAGE Courtesy: Amarah Khatibi on Facebook
IMAGE Courtesy: Amarah Khatibi on Facebook

Ito ang unang pagkakataong nasilayan ang mag-asawa at ang kanilang anak sa iisang litrato sa social media.

Noong Enero huling nag-post si Cristine ng litrato ng kanilang pamilya sa kanyang Instagram account.

Mula noon ay missing-in-action na si Ali sa bonding ng mag-inang Cristine at Amarah.

Hanggang sa noong October 9, hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na hindi na ginagamit ni Cristine ang kanyang married name sa kanyang Instagram handle.

Pinalitan niya ng @cristinereyes ang dating Instagram handle na @mrscristinekhatibi.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw ang tunay na estado ng relasyon ng mag-asawa.

Lalo na't umiiwas si Cristine sa tuwing matatanong siya ng entertainment press hinggil sa isyu.

Read Next
Read More Stories About
Cristine Reyes, Ali Khatibi
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Amarah Khatibi seems so happy seeing her parents together at her Christmas party. </p>
PHOTO/S: Courtesy: Amarah Khatibi on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results