Nagbigay-pugay si Aljur Abrenica sa mga magulang ng asawa niyang si Kylie Padilla-Abrenica, na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco.
Sa post sa Instagram ngayong araw ng Biyernes, December 21, nagpapasalamat si Aljur kay Robin at Liezl sa pagtanggap sa kanya sa kanilang pamilya.
Sabi pa ni Aljur sa kanyang post, “Thank you Papa @robinhoodpadilla and Mama @le1z_zelfor welcoming me to your family.
“For always fighting what’s best for us. That pushed me to be a better man for your own daughter.
“I feel blessed and grateful to have you as my in laws.
“For I am always in favor of your wisdom, kindness and understanding.
“I am eager to get to know you more, serve you more and learn from you.”
Ikinasal sina Aljur, 28, at Kylie, 25, sa isang Christian ceremony noong nakaraang December 11.
May anak na ang dalawa, si Alas Joaquin Abrenica, na isang taong gulang.
