John Lloyd Cruz absent in Ellen Adarna family traditional Christmas picture

by Arniel C. Serato
Dec 26, 2018
<p>Ellen Adarna (seated, second from left) poses with her family in their traditional Christmas portrait. </p>
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / PEP.ph source (family photo)

Masasaya ang mukha ng pamilya ni Ellen Adarna sa kanilang Christmas photo na ipinadala ng isang PEP.ph source kagabi, December 25.

Sa larawan, makikitang nakapula ang karamihan sa mga kapamilya ni Ellen habang nakatingin sa camera.

IMAGE PEP.ph Source

Sa isang Boomerang video, na ipinadala rin ng PEP.ph source, ang caption ay: “Merry Christmas from the Adarna fam!!”

Continue reading below ↓
IMAGE PEP.ph Source

Kapansin-pansin namang wala ang partner ni Ellen na si John Lloyd Cruz sa larawan.

May dalawang baby boy sa larawan, ngunit hindi pa rin matukoy kung sino sa kanila si Elias Modesto, ang anak nina Ellen at John Lloyd.

Matatandaang kasama si John Lloyd sa Adarna family picture na kuha nitong huling New Year, na nailathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nung January 4, 2018.

Continue reading below ↓
IMAGE File

Kasama pa sa family portrait noon ang ama ni Ellen, si Alan Modesto Adarna, isang successful businessman na nagmamay-ari ng Queensland, isang motel empire na sinimulan ng kanyang ama at lolo ni Ellen na si Federico.

Masasabing empire ito sapagkat mula sa Cebu, nag-branch out na ito sa Davao, Cagayan de Oro, at pati na sa Metro Manila.

Namatay ang ama ni Ellen nito lamang June 3, 2018.

Nitong nakaraang December 22, isang celebrity nail artist ang nag-post ng larawan nila ni Ellen, kasama ang anak ni Ellen na si Elias Modesto, ngunit nakatalikod sa larawan ang baby.

STORIES WE ARE TRACKING

Hanggang ngayon ay nananatiling mailap sa media ang dalawang showbiz personalities matapos nilang iwan ang limelight may halos dalawang taon na ang nakaraan.

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd-Cruz, Ellen Adarna
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Ellen Adarna (seated, second from left) poses with her family in their traditional Christmas portrait. </p>
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / PEP.ph source (family photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results