Hindi napigilang sumagot ni Beauty Gonzalez sa ilang bashers na nag-comment sa kanyang Instagram post noong December 28.
Sa post ay makikitang nakasuot ng bikini ang Kadenang Ginto actress.
Pinansin naman ng ilang bashers ang madalas na pag-post ni Beauty ng kanyang bikini photos sa kanyang Instagram account.
Read: How Beauty Gonzalez got crazy flat tummy after giving birth
Dalawa dito ang sinagot ni Beauty.
Sabi ng netizen na si @gab.9994, "Parang last week ka pa hubad ng hubad ah....damit na!"
Sagot ni Beauty, "ikaw pakita ka naman! Para mag-enjoy 14 followers mo?!? Please?"
Comment naman ng netizen na si @sweetieshines, "So tired of this woman getting naked all the time especially showing her pasty body."
Pabiro naman itong sinagot ni Beauty. Saad ng 27-year-old actress, "aww, di mo na kaya? Sige, my next post is dedicated to you. Sana wag ka na ma-tired."
Tila tinotoo ni Beauty ang sagot niya sa basher dahil sa sumunod niyang Instagram post ay nakasuot siya ng mahabang dress na may manggas.
Read: How Beauty Gonzalez moved on from "chubby PBB image"
View this post on InstagramI hear the secrets that you keep, When you’re talking in your sleep.????
Walang binanggit si Beauty tungkol sa kanyang bashers sa huli niyang post, subalit ilan sa kanyang followers ang nakapansin sa pagtupad niya sa sagot niya sa huling netizen.
