Gretchen Ho thrashed by Kris Aquino's fans over banter with Gideon Peña

by Bernie V. Franco
Jan 2, 2019
<p>Netizens criticize Gretchen Ho (far right), for exchanging banter on Instagram with Atty. Gideon Peña (center). Gideon is currently with Kris Aquino (far left) on vacation in Japan.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (Gideon and Gretchen)

Idiniin ng ABS-CBN host na si Gretchen Ho at abogadong si Gideon Peña na magkaibigan lamang sila, sa kabila ng pagbibigay-malisya ng ilang netizens sa palitan nila ng komento sa Instagram ngayong New Year.

Si Gideon, 29, ay nali-link kay Kris Aquino, 47, mula pa noong nakaraang taon.

Pero nilinaw nina Gideon at ni Gretchen, 28, na magkaibigan lamang sila.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngayong Holiday Season, kasama si Gideon sa grupo ni Kris Aquino—kabilang ang mga anak ng social media personality na sina Bimby at Josh—na nagbakasyon sa Japan.

Ngayong New Year, nag-post ang abogado sa Instagram.

Nagbiro si Gretchen, pinauuwi na nito si Gideon.

Sumagot rin nang pabiro si Gideon kay Gretchen.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito nagustuhan ng isang netizen, na mas malamang ay fan ni Kris. Sinabihan nito si Gretchen na wala sa lugar ang biro ng ABS-CBN host, lalo pa’t kasama ni Gideon ang pamilya ni Kris.

Komento ng netizen: “@gretchenho no hate... just saying..give some respect Ms. Gretchen Ho., Atty. Gid, is on vacation with the Aquino Family. Just focus to improve your TV hosting in your morning show in ABS CBN. Kesa magpa-uwi sa taong nagbabakasyon..love Love Love…

Sumagot si Gideon. Ipinagtanggol nito si Gretchen at nagsabing walang masama sa sinabi ang Umagang Kay Ganda host.

Ito ang sabi ng abogado: “walang sinabing masama si @gretchenho. It was just a playful banter between friends.”

Continue reading below ↓

Sumunod pa ang ilang komento mula sa ibang netizens na sumang-ayong mali ang timing ng biro ni Gretchen.

Sumagot na dito si Gretchen: “we are all friends. All peace and love Happy new year!

Sundot pa ni Gideon: “we were actually supposed to go home today. Kaya timing yung joke.”

Continue reading below ↓

Sa isang hiwalay na post, may isang netizen na nagkomentong sana raw ay magkatuluyan na si Gideon at si Kris, na sinagot ng abogado ng: “huwag na natin ipilit pls.”

Hindi ito ang unang beses na inili-link si Gretchen kay Gideon.

Agosto 2018 nang may ilang netizens ang nagkomentong ang totoong pinopormahan ni Gideon ay si Gretchen, kaya raw hindi umusbong ang pagkakamabutihan nina Kris at Gideon.

Continue reading below ↓

Via direct messaging, paglilinaw sa lahat ng ito ni Gretchen, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): Magkaibigan lamang sila ni Gideon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Gretchen Ho, Kris Aquino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Netizens criticize Gretchen Ho (far right), for exchanging banter on Instagram with Atty. Gideon Peña (center). Gideon is currently with Kris Aquino (far left) on vacation in Japan.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (Gideon and Gretchen)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results