Nagpasalamat si Alden Richards sa lahat ng mga bumati sa kanya noong January 2, 2019, ang araw ng kanyang ika-27 na kaarawan.
Sa pamamagitan ng Facebook at Twitter, ibinahagi ng Pambansang Bae ngayong araw, January 3, ang kanyang kagalakan sa mga taong nagpakita ng walang sawang pagmamahal at suporta sa kanya.
Sabi ni Alden, “Maraming salamat po sa lahat ng bumati.
"I’m at my happiest right now. Napakabuti ng PANGINOON.”
I’m at my happiest right now...maraming salamat po sa lahat ng bumati. GOD bless po sa inyo. #latepost pic.twitter.com/eTUMDWsqKV
— Alden Richards?? (@aldenrichards02) January 3, 2019
Sa Japan nag-celebrate ng Pasko ang buong pamilya ng Kapuso actor.
Umuwi sila bago mag-Bagong Taon dahil pinangunahan niya ang New Year countdown ng GMA sa Mall of Asia.
Ngayon, isa si Alden sa ipinagmamalaking talent ng Kapuso Network.
