Gretchen Barretto shows support for Nicko Falcis amid his rift with Kris Aquino

by Bernie V. Franco
Jan 5, 2019
<p>Gretchen Barretto takes to Instagram to express her support for Nicko Falcis, who is currently embroiled in a legal battle with Kris Aquino.</p>
PHOTO/S: Photos from Instagram

Nagpakita ng simpatya si Gretchen Barretto kay Nicko Falcis, 35, hinggil sa kinasasangkutang isyu ng huli kay Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Gretchen, 48, ang screenshot ng title ng artikulo hinggil sa pagbubunyag ni Nicko ng pagbabanta ni Kris, 47, sa kanyang buhay.

Ang titulo ng artikulo na inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay “Nicko Falcis swears Kris Aquino said: 'PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO,'” na inilathala kahapon, Biyernes, January 4.

Si Nicko ang dating managing director ng digital company ni Kris, at tumayo rin siya bilang talent agent at endorsement closer ng actress/host/web star.

Sa kanyang caption, pinuri ni Gretchen ang katapangan ni Nicko sa paglahad ng kanyang saloobin sa kabila ng banta sa kanyang buhay.

Buong caption ni Gretchen: “I feel for mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth , fight for his family name & reputation inspite of the threat to his life No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING”

Continue reading below ↓


Sa artikulong inilabas ng PEP.ph, tinalakay ang personal statement ni Nicko hinggil sa sigalot nila ni Kris.

Inilahad dito ni Nicko ang diumano’y pagbabanta ni Kris sa buhay niya.

Si Nicko ay sinampahan ni Kris ng 44 counts ng Qualified Theft noong October 2018, sa akusasyong ginamit umano ni Nicko ang credit card ng digital company ni Kris nang walang permiso.

Umabot daw sa PHP1.2 milyon ang ginastos ni Nicko para bayaran ang kanyang personal expenses gamit ang credit card ng kumpanya ni Kris.

Mariin namang itinanggi ni Nicko ang paratang na ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Gretchen Barretto takes to Instagram to express her support for Nicko Falcis, who is currently embroiled in a legal battle with Kris Aquino.</p>
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results