John Lloyd Cruz, Ellen Adarna in family photo with son Elias Modesto

by Arniel C. Serato
Jan 7, 2019
<p>A PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source sends new photo of Ellen Adarna and John Lloyd Cruz together with their firstborn, Elias Modesto. </p>
PHOTO/S: PEP.ph source

Mukhang masayang-masaya si John Lloyd Cruz at partner nitong si Ellen Adarna sa kanilang private life.

Sa isang litratong ipinadala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source ngayong Lunes, January 7, mababanaag sa mga mukha nina John Lloyd at Ellen na masaya at kuntento na sila sa kanilang buhay kasama ang kanilang anak.

Ngunit kapansin-pansing nakatakip ang mukha ng batang hawak nina John Lloyd at Ellen, na pinaniniwalaang anak nila.

May ilang kamag-anak pa si Ellen sa larawan na may kasama ring bata, ngunit hindi nakatakip ang mga mukha nito.

Pero minabuti na rin ng PEP.ph na takpan ang mukha ng bata at iba pang kasama nina John Lloyd at Ellen sa larawan.

Continue reading below ↓
IMAGE PEP.ph source

Noong December 28, 2018 naman, makikitang masaya ang aura ni Ellen sa Instagram post ng kaibigan niyang nail artist na si Mimi Reyes.

Nakalagay sa caption ni Mimi, “STAR ng PASKO ko. Happy holidays Ellen & Family. Love you!! #christmas2018 #thankyou #nofilter”

Si Mimi rin ang nag-post ng larawan nila ni Ellen, kasama ang anak nitong si Elias Modesto, noong December 20, 2018.

Yun nga lang, nakatalikod ang bata kaya hindi pa rin nakita ng publiko ang mukha nito.

STORIES WE ARE TRACKING

Nananatiling pribado ang buhay nina Ellen at John Lloyd matapos nilang pansamantalang talikuran ang showbiz noong huling bahagi ng 2017.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>A PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source sends new photo of Ellen Adarna and John Lloyd Cruz together with their firstborn, Elias Modesto. </p>
PHOTO/S: PEP.ph source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results