Patuloy pa ring ipinararamdam ng rumored couple na sina Janine Gutierrez, 29, at Rayver Cruz, 29, kung gaano kaespesyal sa kanila ang isa't isa.
Matapos mag-post ni Rayver ng larawan nila ni Janine noong January 3—na kuha sa holiday vacation nila sa California, USA, noong huling bahagi ng December 2018—si Janine naman ang nag-post ng sweet na larawan nila ng actor-dancer sa Instagram.
Kuha ang larawan sa Sta. Monica Pier, California.
“Cali” lamang ang inilagay na caption ni Janine kung saan naka-tag naman si Rayver.
Sa comments section, bumuhos ang “heart” emojis mula sa celebrity friends ng dalawa; katulad nina Kyline Alcantara, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Isabelle Daza, Ylona Garcia, Megan Young, Kate Valdez, at Ina Feleo.
Matagal nang napapabalitang may relasyon sina Janine at Rayver, ngunit hanggang “dating” lang ang sinasabi nilang estado sa publiko.
