Nagbakasyon si Enchong Dee sa Mariveles, Bataan, nitong weekend, at in-enjoy niya ang magandang beach doon.
Ngunit hindi inakala ng Kapamilya actor na madikitan siya ng dikya o jellyfish sa kanyang pagsu-swimming.
Sa post niya sa Instagram kagabi, January 13, sinabi ni Enchong na dapat talaga siyang mag-ingat next time kung magsu-swimming siya sa beach.
Sabi niya sa caption, “I wonder if there’s an actual anti-jellyfish lotion out there that works?... i love the water so much that i don’t mind being stung but when it keeps you awake at night because it’s itchy... i need to do something and be careful next time.”
Tama ang sinasabi ni Enchong na kailangan ng ingat. Nakamamatay ang madikitan ng mga dikya, lalo na ng Sea Wasp Box jellyfish.
Ang pitong deadliest jellyfish sa mundo, ayon sa www.conservationinstitute.org, ay ang Sea Wasp Box, Irukandji, Portuguese Man O’War, Cannonball, Moon, Lion’s Mane, at Sea Nettle.
Noong 2014, nalagay sa alanganin ang buhay ni Anne Curtis matapos siyang madikitan ng Box Jellyfish habang nagti-taping noon sa Batangas ng pinagbibidahang teleseryeng Dyesebel.
