Gretchen Barretto posts about Kris Aquino-Nicko Falcis phone call

by Bernie V. Franco
Jan 15, 2019
<p>Gretchen Barretto (far right) once again reacts to the feud involving Kris Aquino (left) and Nicko Falcis (center). Gretchen posts screenshots of the YouTube video containing the recorded phone call between Kris and Nicko, where Kris is heard telling Nicko that her family will have him killed.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Pink Siazon / @juansarte on Instagram

#KrisAquinoVsNickoFalcis

May reaksiyon muli si Gretchen Barretto, 48, sa sigalot na kinasasangkutan ngayon nina Kris Aquino, 47, at Nicko Falcis, 35.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ipinost ni Gretchen ang dalawang screenshots ng YouTube video na nagtataglay ng recorded phone conversation nina Kris at Nicko.

Sa uploaded YouTube video, maririnig ang ginawang pagbabanta ng actress/host/web star sa dati nitong managing director.

Ang video na may titulong “Kris Aquino vs. Nicko Falcis RECORDED CONVERSATION!” ay in-upload nitong Lunes, January 14.

Tatlong broken-heart emojis ang inilagay ni Gretchen sa unang screenshot.

Bukod sa emojis, wala na itong iba pang captions.

Sa pangalawang screenshot, binilugan naman ang bahagi ng screenshot na taglay ang paksa ng video: "Kris Aquino to Nicko Falcis: ‘PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO’ recorded conversation."

Continue reading below ↓

FIRST POST

Noong Sabado, January 5, nag-post si Gretchen sa Instagram at nagpakita ng suporta kay Nicko sa hidwaan nila ni Kris.

Sa caption ng post, sinabi ni Gretchen na hinahangaan niya si Nicko sa pagsasabi ng katotohanan at paglaban para sa kanyang reputasyon at pamilya.

Makahulugan pang caption ni Gretchen: "No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING”

Sa comments section naman ng post ni Kris noong January 5, may sinagot ang web star na netizen tungkol sa pagpanig ni Gretchen kay Nicko.

Ani Kris, “dedma” lang siya dito, dahil mas pinapahalagahan daw niya ang pangangampanya ni Gretchen sa kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino noong 1986.

STORIES WE ARE TRACKING

THE ISSUE

Si Nicko ang dating managing director ng digital company ni Kris, ang Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Si Nicko ay nagsilbi ring talent agent at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 months.

Pinaratangan ni Kris si Nicko na ninakawan umano siya ng PHP1.2 million, dahil sa walang pahintulot na paggamit ni Nicko ng credit card ng KCAP.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, sinampahan siya ni Kris ng reklamong 44 counts of Qualified Theft noong October 12, 2018.

Tahasan naman itong itinanggi ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit, at inakusahan si Kris na pinagbantaan nito ang kanyang buhay.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Gretchen Barretto (far right) once again reacts to the feud involving Kris Aquino (left) and Nicko Falcis (center). Gretchen posts screenshots of the YouTube video containing the recorded phone call between Kris and Nicko, where Kris is heard telling Nicko that her family will have him killed.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Pink Siazon / @juansarte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results