Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Janine Gutierrez reacts to Elmo Magalona-Janella Salvador past controversy

by Arniel C. Serato
Jan 16, 2019
<p>Janine Gutierrez on Elmo Magalona-Janella issue: "Siyempre nagulat din ako sa bali-balita, pero hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung totoo."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Ikinagulat ni Janine Gutierrez ang balitang nasaktan daw ng kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona ang dating love-team partner at rumored ex-girlfriend nitong si Janella Salvador.

Noong October 2018, sinabi ni Janella sa isang panayam na nasaktan siya umano ni Elmo nang dalawang beses.

Hindi naman nagsalita si Elmo tungkol sa alegasyong ito sa kanya.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngayong Miyerkules, January 16, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Janine.

Dito ay kinuha ang kanyang reaksiyon tungkol sa naging isyu nina Elmo at Janella.

Maingat na pahayag ng Kapuso actress, “Hindi ko po kasi alam yung totoong kuwento, so hindi rin ako makapagsabi.

“Siyempre nagulat din ako sa bali-balita, pero hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung totoo.”

Sa tingin ba niya, may kakayahang manakit ng babae ni Elmo?

Tugon ni Janine, “Well, sa pagkakakilala ko po sa kanya, wala po ako personally ganung experience.

“But I don’t know anything, so I don’t really want to say anything.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, hindi raw masasabi ni Janine na magkaibigan pa sila ng dating nobyo dahil hindi na sila nakapag-usap mula nang maghiwalay sila noong 2016.

Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nina Janine at Elmo.

Nakapanayam si Janine sa grand media conference ng bagong pelikula nila ni Enchong Dee, ang Elise, sa Valencia Events Place ngayong Miyerkules, January 16.

Ipalalabas ang pelikula simula February 6, bilang Valentine movie offering ng Regal Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓
IMAGE Noel Orsal
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Janine Gutierrez on Elmo Magalona-Janella issue: "Siyempre nagulat din ako sa bali-balita, pero hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung totoo."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results