Janine Gutierrez still hesitant about admitting real score with Rayver Cruz

by Arniel C. Serato
Jan 16, 2019
<p>Janine Gutierrez says rumored boyfriend Rayver Cruz made her U.S. holiday vacation more enjoyable.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pa rin daw pormal ang relasyon nina Janine Gutierrez, 29, at Rayver Cruz, 29.

Ito ay sa kabila ng dalawang taon na silang nagdi-date exclusively.

Ayon sa Kapuso actress, “Wala pa, wala pa talaga actually.”

Bakit ayaw pa nilang lagyan ng tamang label ang kanilang relasyon?

Nakangiting tugon ni Janine, “Oh, my gosh, di ko din... di pa, hindi pa!

“Well, I guess wala na naman pong hadlang, wala na naman. Hindi pa.”

Ano ang pumipigil sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya sinasagot si Rayver?

Paliwanag ni Janine, “Well, dati kasi nung una, I guess medyo... nung una kasi, parang pinipigilan ko lang na maging masyadong seryoso ulit.

“Kasi nga, may mga experiences from the past.

"Pero ngayon, wala na actually rason para hindi [na magseryoso ulit]."

Ang huling naging boyfriend ni Janine ay si Elmo Magalona.

Naghiwalay sila noong 2016 pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Janine sa grand press conference ng pelikula nila ni Enchong Dee, ang Elise.

Ang Elise ay isang dramatic-comedy movie mula sa Regal Entertainment, Inc. at ipalalabas ito simula sa February 6.

U.S. GETAWAY WITH RAYVER

Noong nakaraang holiday season, kasama ni Janine na nagbakasyon sa Amerika ang rumored boyfriend na si Rayver.

View this post on Instagram

Cali ??

A post shared by ????JANINE (@janinegutierrez) on

Kuwento niya tungkol sa kanilang bakasyon, “Ang saya, ayoko na nga sana umuwi, seven days... one week lang po.”

Naging makabuluhan daw ang kanyang bakasyon sa ibang bansa dahil kay Rayver.

Sabi ni Janine, “Actually, mas masaya kasi nakasama siya.

“Nanood kami ng basketball, ng NBA, kasi pareho kaming super fans ng Lakers.

"Yung daddy ko, mga kapatid ko, Lakers talaga."

View this post on Instagram

#Lakergirl bucket list accomplished tonight ????????????????????

A post shared by ????JANINE (@janinegutierrez) on

View this post on Instagram

Ngiting panalo kahit talo! ????????????

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Dagdag ni Janine, “Nag-Disneyland kami, sobrang yung pangturista talaga na ganap sa L.A., 'tapos kumain ng kung anu-anong wala dito.”

View this post on Instagram

Forever young ????2??0??1??9??

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz) on

Masaya raw si Janine na dumating sa buhay niya si Rayver.

Continue reading below ↓

“Actually, nakakatuwa, kasi isa lang yung kapatid ko na lalaki, so nagkaroon siya ng kuya-kuya, yung brother ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Janine Gutierrez says rumored boyfriend Rayver Cruz made her U.S. holiday vacation more enjoyable.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results