Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Enchong Dee refuses to elaborate on liking "no to bullies" post of Gretchen Barretto

by Glenn Regondola
Jan 17, 2019
<p>Enchong Dee on liking Gretchen Barretto's Instagram post about the Kris Aquino-Nicko Falcis issue: "I'm very, very sure with what I liked. That's it. Again, I would like several posts every day, and it's just a matter of how people would interpret it."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

“I know what I liked!”

Ito ang paulit-ulit na sagot ni Enchong Dee nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters tungkol sa pagla-like niya sa shout-out ni Gretchen Barretto na may kinalaman sa kontrobersiya sa pagitan ni Kris Aquino at ng dati nitong business manager na si Nicko Falcis.

Sa isang Instagram post ni Gretchen, pinuri niya ni Nicko sa pagsasabi ng totoo.

Sa huling bahagi ng kanyang post ay may mensahe pang ganito si Gretchen: "No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING"

Kabilang si Enchong sa mga nag-like sa post na ito ng aktres.

Dahil sa pag-like niya sa post ni Gretchen, may ilang supporters ni Kris ang binatikos ang aktor.

STORIES WE ARE TRACKING

Pahayag ni Enchong tungkol sa isyu, “Actually, mahilig akong mag-like.

“Marami akong nila-like every day, and nagkataon na...

“Sinasabi ko na, ‘Ay, ganun pala ako kaimportante. Napapansin pa rin ng mga tao [yung pag-like ko].’

Continue reading below ↓

“Pero ayun, it was not because of them," pagtukoy niya kina Gretchen, Kris, at Nicko.

Patuloy ni Enchong, “You know, I would speak out of nowhere if it’s political, environmental.

“You know me, I would speak.

“I know what I like, and I know kung ano yung mga kinu-comment-an ko.”

May personal issue ba siya kay Kris?

Tugon ni Enchong, “A… ‘cause I don’t want it na lumaki, as much as possible, I’m not in the position to be part of it.

"But at the same time, ang iiwan ko lang siguro ay: I know what I liked.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Enchong sa grand mediacon ng pelikulang Elise, na opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. ngayong 2019.

For the second time ay makakasama niya sa pelikula ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

"I LIKED THE POST, THAT'S IT."

Ayon pa kay Enchong, kaya niyang panindigan ang kanyang ginawa.

Continue reading below ↓

Ang tanging masasabi raw niya sa kanyang bashers ay: “I know what I liked.

“I’m very, very sure with what I liked. That’s it.

“Again, I would like several posts every day, and it’s just a matter of how people would interpret it.

“The reason why I’m also very courageous with what I do is because I don’t reply to any comments people would give me.

“It’s their freedom. It’s my freedom.

“Why would people ask me about it?”

Ibig bang sabihin nito ay sinusuportahan niya ang kaalitan ni Kris?

Mariing sagot ng 30-year-old lead actor, “Again, I would leave it to I liked it, that’s it.

“No, I don’t want it to be a big factor.

“I don’t want it to be part of the movie [we are promoting].

“So basically, I liked the post, and that’s it.

“I don’t want to elaborate anymore.”

Pagkatapos nito ay hiniling na niyang pag-usapan ang tungkol sa Elise, lalo na nga raw ito ang first movie nilang ipalalabas sa taong ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Enchong Dee on liking Gretchen Barretto's Instagram post about the Kris Aquino-Nicko Falcis issue: "I'm very, very sure with what I liked. That's it. Again, I would like several posts every day, and it's just a matter of how people would interpret it."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results