Si Angeline Quinto ang isa sa mga nag-perform sa state banquet para kay President Maithripala Sirisena ng Democratic Socialist Republic of Sri Lanka sa Malacañan Palace, kagabi, January 16.
Nasa bansa ang Sri Lanka president para sa kanyang limang araw na state visit na nagsimula kahapon.
Sa kanyang Instagram kagabi rin, nag-post si Angeline ng larawan niya kasama ang dalawang pangulo.
Nakalagay sa caption: “It was truly an honor performing for our President and the President of Sri Lanka.
"Ito po ay isa na namang magandang pagkakataon to share our Filipino talents para po sa ating mga bisita mula sa ibang bansa. #ThankyouLordforeverything”
Pinagitnaan naman ng dalawang pangulo ang Kapamilya singer sa isang group photo kung saan naka-Duterte fist bump” sign ang lahat.
