Isang basher ang blocked na ni Heart Evangelista, 33, sa Instagram, dahil sa pambabatikos.
Burado na ang komento ng basher, pero tinalakay ng Kapuso actress sa sariling komento kung ano ang nag-udyok sa kanyang i-block ang netizen.
Nag-post sa Instagram si Heart ng kanyang larawan na nakasuot ng fur coat nung January 18, Huwebes.
Kasalukuyang nakabakasyon si Heart sa China.
Base sa sagot ni Heart, inatake ng basher ang kanyang pagkatao.
“I WILL NEVER BE PERFECT”
Sa comment ng aktres, sinabi nito na hindi niya pipiliting baguhin ang pagkatao niya para sa kasiyahan ng ibang tao.
“honestly real people would inspire and influence you to do better in the society and never bash you and attack you [heart emoji] I will never be perfect and I will never try to be the person ‘they’ want me to be."
Para raw kay Heart, sapat na sa kanya na magpakatotoo at walang inaapakang tao.
“I am who am and as long as I don’t step on anyone and try my best to do good in my own little corner of this world then I am fine [smiley] hayaan Na natin siya [smiley]”
Noong nakaraang taon, ikinuwento ni Heart via social media na biktima rin siya ng bullying noong kabataan niya.
