Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Xian Lim says no to live-in before marriage

by Rachelle Siazon
Jan 20, 2019
<p>Xian Lim (shown with girlfriend Kim Chiu) on keeping mum about his idea of an ideal wedding: "Baka ma-jinx. Parang tattoo yan, di ba? Pag tina-tattoo mo yung pangalan, parang malas. Personal lang, maybe it's not good to talk about it."</p>
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

Hindi pabor si Xian Lim, 29, sa set-up na magsama sa isang bubong ang isang couple na hindi pa kasal.

Personal daw niyang opinyon ito sa kaso nila ng girlfriend niyang si Kim Chiu, 28.

Paliwanag ni Xian, “Hindi po, hindi po!

"Kasi I live with my mom and my lola, and ngayon po my lolo.

“Pag kasal na [puwede na]. I mean, very old-fashioned kasi ako, e.

“Lumaki ako kasama nanay at lola. I think mas sila talaga yung mas priority ko po.”

Nakapanayam si Xian ng entertainment reporters pagkatapos ng presscon ng pelikulang Hanggang Kailan? sa Le Reve Events Place noong Huwebes, January 17.

Napag-uusapan na ba nila Kim ang pagpapakasal?

Pabiro niyang pag-iwas, “Malayo pa yan! Mga 50s or 40s...”

Tumanggi rin si Xian na magbigay ng detalye kung ano ang ideal wedding niya.

Aniya, “Baka ma-jinx.

"Parang tattoo yan, di ba?

"Pag tina-tattoo mo yung pangalan, parang malas.

Continue reading below ↓

"Personal lang, maybe it’s not good to talk about it.”

Pareho raw sila ni Kim na hindi pa handang lumagay sa tahimik.

Pero paniniguro ng Hanggang Kailan? actor, naniniwala siya sa kasal at si Kim ang tipo ng babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Lahad niya, “Dapat kung magmamahal kayo, nandun talaga yun in the back of your head, ‘Sana eto na nga.’

“Ampangit naman magmahal na, ‘Whoops, eto lang muna, enjoy enjoy.’”

Sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit ni Xian na “nahumaling” siya kay Kim dahil sa pagiging "sobrang lambing" ng dalaga.

Sinabi rin ni Xian na sa tagal nilang magkarelasyon ni Kim, wala nang makabubuwag ng pagmamahalan nila lalo pa’t kilala na nila ang isa’t isa.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
KimXi, Kim Chiu
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Xian Lim (shown with girlfriend Kim Chiu) on keeping mum about his idea of an ideal wedding: "Baka ma-jinx. Parang tattoo yan, di ba? Pag tina-tattoo mo yung pangalan, parang malas. Personal lang, maybe it's not good to talk about it."</p>
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results