Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Piolo Pascual challenges basher to square-off: "Suntukan tayo!"

by Rachelle Siazon
Jan 20, 2019
<p>"Suntukan tayo! Nasaan ka?!?!!!" Piolo Pascual calls out basher who posted a malicious comment about the actor and his son Iñigo.</p>
PHOTO/S: @piolo_pascual Instagram

Hinamon ni Piolo Pascual ng suntukan ang isang basher na tinawag siya at anak niyang si Iñigo na "mag-amang bakla."

Nag-ugat ang pambabatikos ng basher sa Instagram post ni Piolo ng litrato nila ni Iñigo ngayong Linggo, January 20.

Kuha ang litrato matapos nilang lumahok sa 10-kilometer marathon event ng Sunpiology sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa caption ni Piolo: "@sunlifeph represent:) done with our first resolution run in Jakarta:) perfect weather, great course, awesome people...

"Next week is manila’s turn for sunpiology’s 10th anniversary... see you all on Jan 26, 2019 at camp aguinaldo for #sunpiologytr10 #lifesbrighterunderthesun"

THE HEATED EXCHANGE

Dito nagbitiw ng hindi magandang salita ang isang basher laban sa mag-ama.

Pambabatikos ng netizen, "Mag-amang bakla haha"

Pagkalipas ng isang oras ay diretsahang pinatulan ni Piolo ang basher at sinabing "suntukan tayo!"

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Balik-sagot ng netizen, "@piolo_pascual San lugar sige punta ako

"alam ko iblock mo na ako haha

"Ala namang reply San ba place akala ko ba suntukan haha"

Continue reading below ↓

Maya-maya ay muling sumagot ang Kapamilya actor.

Aniya, "@s********* ok game! San mo gusto???"

Continue reading below ↓

Makailang-beses pang nagpalitan ng mensahe ang dalawa tungkol sa kung saang lugar sila maghaharap.

Giit ng netizen, "@piolo_pascual ikaw mag bigay at pupunta ko now mismo

"ano ba tagal mag reply San ba lugar inip nako haha"

Balik-sagot naman ni Piolo, "nasaan ka?!?!!!"

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay nagpahiwatig ang netizen na tila nasa bandang Timog Avenue, Quezon City ito.

Hirit pa nito, "@piolo_pascual sa harap ba ng abs baka naman sumikat pako haha"

Continue reading below ↓

Tinanong ulit ni Piolo kung saan eksaktong lugar sa Timog naroon ang netizen.

Pero humirit ulit ang netizen na siya na lang ang pupunta kung nasaan man ang Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Sa puntong ito natigil ang sagutan ni Piolo at ng naturang netizen.

Samantala, marami sa mga tagasuporta ni Piolo ang nagpaabot ng mensahe sa Kapamilya actor.

May ibang sang-ayon sa hamon ni Piolo na harapin ng basher ang aktor sa isang suntukan.

Pero karamihan sa fans ng aktor ay nagsabing huwag na raw nitong patulan pa ang basher dahil "nagpapapansin" lamang ito.

At press time ay naka-private ang Instagram account ng netizen na nambatikos kay Piolo.

ON CALLING OUT BASHERS

Noong 2018, may isa ring insidente na hindi nakapagpigil si Piolo na makipagsagutan sa isang basher.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2018, ipinaliwanag ni Piolo kung bakit may mga pagkakataong hindi niya puwede palampasin ang pambabastos ng bashers.

Lahad niya, "You also have to put them in their place because they also forget it's a private account.

"Even if I'm a public property, it's still my account, I have the right to say whatever I want to say.

Continue reading below ↓

"Just also to remind them na madaling mag-bash pero may repercussions din yun."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Suntukan tayo! Nasaan ka?!?!!!" Piolo Pascual calls out basher who posted a malicious comment about the actor and his son Iñigo.</p>
PHOTO/S: @piolo_pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results