Maine Mendoza defends siblings Arjo, Ria Atayde on "users" accusation

by Bernie V. Franco
Jan 21, 2019
<p>Maine Mendoza on siblings Arjo and Ria Atayde: "They get projects because of their talent, not because of any other reasons."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

“Just stop this nonsense and let us all do better instead."

Ito ang sagot ng TV host-actress na si Maine Mendoza sa mga netizen na bumabatikos sa magkapatid na sina Ria Atayde at Arjo Atayde.

Inaakusahan ng ilang netizens ang magkapatid na ginagamit lamang daw ang pangalan ni Maine para umangat ang kanilang career.

Nagsimula ito nang ma-link si Arjo, 28, kay Maine, 23, noong October 2018.

Kahapon, January 20, Linggo, isang netizen (@mcbill0524) ang nag-tweet kung saan inakusahan niya ang kapatid ni Arjo na si Ria, 26, ng pagiging “user.”

Tweet ng netizen, kung saan naka-tag pa si Ria: “@RiaAtayde GINAMIT MO NA NAMAN NAME NI @mainedcm TINDI NG PAGIGING USER NYO MAGKAPATID NOH? UMINGAY NA NAME NYO NAGKA PROJECT PA KAYO DAHIL SA PANGGAGAMIT NYO SA NAME NI Maine... MGA USER TSK..TSK..”

Continue reading below ↓

Hindi naman tinukoy ng netizen kung saan at kailan binanggit ni Ria ang pangalan ni Maine.

Sa isang interview noong November 2018, tumanggi si Ria na magkomento sa estado ng relasyon nina Arjo at Maine, subalit kinumpirma niyang masaya ang kanyang kuya.

STORIES WE ARE TRACKING

Kahapon din, sinagot ni Maine ang netizen at hiniling na irespeto ang pamilya nina Ria at Arjo, na mga anak ng ABS-CBN actress na si Sylvia Sanchez.

Naka-tag sa tweet ni Maine si Ria at ang netizen.

“I would appreciate if you'll show some respect not just to our family but to theirs as well. Just stop this nonsense and let us all do better instead,” panawagan ng Eat Bulaga! host.

Diin pa ng Kapuso star, nabibigyan ng proyekto sina Arjo at Ria dahil sa kanilang talento at hindi sa kahit ano pa mang dahilan.

“They get projects because of their talent, not because of any other reasons. Once and for all let's give credit to whom its due.”

Continue reading below ↓

Sundot pa ni Maine sa kanyang pangalawang tweet, “it is never right to hate on people - whoever they may be.

“I know everyone’s trying to prove a point here but whatever your reasons are...

"It is never right to hate on people - whoever they may be.”

Panawagan din ni Maine, huwag hayaang mangibabaw ang galit sa puso.

Continue reading below ↓

“Hate is such a strong feeling & I hope we don’t let it get the best of us.

"Masyado yang mabigat sa puso, ‘wag sana tayo magpalamon. Good night!”

October 2018 nang magsimulang ma-link sina Maine at Arjo matapos silang makunang magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Makati City.

Sinundan pa ito ng ilang insidente kung saan nakita rin silang magkasama, kagaya sa bar at concert.

Continue reading below ↓

November 2018 naman nang lumabas ang mga litrato sa social media na nagpapahiwatig na magkasama ang dalawa sa Bali, Indonesia.

Wala pang direktang pagtanggi o pag-amin ang dalawa tungkol sa napababalita nilang relasyon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Maine Mendoza on siblings Arjo and Ria Atayde: "They get projects because of their talent, not because of any other reasons."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results