Sobrang na-starstruck si Jinkee Pacquiao nang makilala at makadaupang-palad niya ang star player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry.
Kagabi, January 22 (U.S. time), nanood si Jinkee at ang asawa nitong si Pambansang Kamao Manny Pacquaio ng laro ng National Basketball Association (NBA) sa Staples Center, Los Angeles, California,
Nakalaban ng Warriors ang Los Angeles Lakers, kung saan nagwagi ang una sa score na 130-111.
Pagkatapos ng game, personal na nakaharap ng mag-asawang Pacquiao si Curry sa dug-out ng Lakers.
Sa kanyang Instagram, sinabi ni Jinkee na sobra siyang kinilig at na-starstruck kay Stephen.
Saad niya sa caption: "Blessed to have finally met you! My happiest night! @stephencurry30 @warriors Starstruck si Israel. Ako kinikilig! Kilig to the bones!"
Ngayong umaga ng January 23, Miyerkules, nagbahagi naman si Jinkee ng video sa kanyang Instagram.
Sabi niya sa caption, "Kilig to the bones ang peg ko!"
Nasa Los Angeles pa rin sina Jinkee at Manny ilang araw matapos ang laban ng Pambansang Kamao sa American boxer na si Adrien Broner sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada, noong Linggo, January 20 (Philippine Time).
Matagumpay na naidepensa ni Manny ang kanyang welterweight title laban kay Broner.
