Robin Padilla closes door to politics: "Gusto niyo ba may binubugbog ako sa Senate?"

by Arniel C. Serato
Jan 24, 2019
<p>Robin Padilla on members of the same family or clan occupying government posts: "Talagang against ako sa political dynasty."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi raw nakikita ni Robin Padilla, 49, ang kanyang sarili na tumatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ito ay sa kabila ng survey noong isang taon na naglagay sa kaniya sa ika-13 puwesto sa listahan ng mga posibleng manalong senador sa 2019 mid-term elections.

Hindi raw talaga nagawi sa isip ni Robin ang tumakbong senador.

“Isa lang po ang pulitiko sa pamilya—si Rommel na yun," pagtukoy niya sa kapatid na si Rommel Padilla, na tatakbong congressman sa first district ng Nueva Ecija.

Patuloy ng aktor, "E, against tayo sa [political] dynasty.

“Mahirap naman yung ako mismo, di ka susunod. Practice what you preach.

"Tama na yung isa, si Rommel na yun."

Hindi ba nagparaya ang kanyang kuya para sana sa kanyang senatorial run?

Paliwanag ni Robin, “Si Rommel talaga, si Kuya Rommel talaga ang public servant, e.”

Birong dagdag pa ng action star, “Hindi ako puwede diyan, wala akong pasensiya.

Continue reading below ↓

"Kailangan dun [sa Senado] mapagpasensiyang tao. Gusto niyo ba may binubugbog ako sa Senate?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Robin sa grand press conference ng pinagbibidahan nitong pelikula na Bato, The Gen. Ronald Dela Rosa Story, ngayong Huwebes ng hapon, January 24.

Ipalalabas ang pelikula, na base sa buhay ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, simula January 30.

Continue reading below ↓
IMAGE Noel Orsal

NO TO POLITICAL DYNASTY

Kahit sa mga susunod na panahon, hindi rin daw talaga papasukin ni Robin ang pulitika sa anumang posisyon.

Dagdag pa niya, “Hindi na, tama na ang isa sa pamilya.

“Hindi po. Talagang against ako sa political dynasty.”

Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Robin Padilla on members of the same family or clan occupying government posts: "Talagang against ako sa political dynasty."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results