Kapuso actor Jak Roberto recounts chance encounter with Kapamilya actress Bea Alonzo

by Bernie V. Franco
Jan 24, 2019
<p>Jak Roberto admits feeling thrilled and turning into a fan when he bumped into Kapamilya artist Bea Alonzo after attending the Sinulog Festival. "Nagkaroon ako ng chance na magpa-picture. Kumbaga, sabi ko, why not? Fan talaga ako, e. Talagang naging fanboy ako nung makita ko siya."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Idinetalye ni Jak Roberto, 25, ang hindi inaasahang pagkikita nila ng ABS-CBN actress na si Bea Alonzo, 31, sa airport sa Mactan, Cebu, noong January 20, Linggo.

Nagtungo ang ilang Kapuso at Kapamilya stars sa Cebu noong weekend para sa Sinulog Festival.

Nang makasalubong ni Jak si Bea, nagpa-picture ang Kapuso hunk at ipinost sa kanyang Instagram account.

Hindi naman nahihiyang aminin ni Jak na nagpaka-fanboy siya sa Kapamilya actress.

“Yun talaga yung bata pa lang ako, napapanood ko na siya,” kuwento ni Jak sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket press conference ng upcoming Kapuso prime-time series na Kara Mia, nitong January 24, Huwebes.

Iyon daw ang unang beses na makita nang personal ni Jak si Bea.

“Sa buong buhay ko sa showbiz, first time ko yata siyang makita. Unexpected.

“Kahit sa mga awards night, hindi ko siya nakikita, e. Nun lang talaga nagka-chance dahil delayed yung flight namin."

Continue reading below ↓

Pabalik noon ng Maynila si Jak mula Cebu, pero na-delay ang kanyang flight.

“Ako na lang ang tao sa lounge. 'Tapos dumating siya, kasi mahaba pa yata ang pila sa boarding.

“'Tapos, yun nga, nagkaroon ako ng chance na magpa-picture.

“Kumbaga, sabi ko, 'Why not?' Fan talaga ako, e. Talagang naging fanboy ako nung makita ko siya.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakilala ba siya ni Bea?

“Parang hindi. Hindi rin kasi ako nagpakilala, e,” sagot ng Kapuso actor.

“Basta na lang... una, kasi yung kasama ko yung nagpa-picture, ‘Picture-an mo naman ako kay Bea.’

"'Tapos, ‘Ako rin, ako rin, picture-an mo ako.’”

Ipinost nga ito ni Jak sa Instagram.

“'Tapos, pinost ko siya. Hindi ko naman in-expect na ganun ang magiging reaksiyon ng mga tao na parang andami rin palang gaya ko na humahanga kay Miss Bea Alonzo, kay Basha!” sabay tawa ni Jak.

Si Basha ang karakter ni Bea sa 2007 movie na One More Chance.

Continue reading below ↓

WORKING WITH GIRLFRIEND BARBIE

Samantala, sinabi naman ni Jak na hindi isyu sa kanila ng girlfriend na si Barbie Forteza ang selosan.

“Sabi ko nga kanina, tested ko na siya, e.

“Hindi siya selosa. Supportive siya bilang girlfriend.”

Hindi rin daw isyu kay Barbie kung may kissing scenes si Jak sa kanyang mga proyekto.

Continue reading below ↓

“'Tsaka kumbaga, sa mga project ko na may kissing scene nga, hindi naman siya against dun.

“Mararamdaman mo kasi sa isang babae kung nagsabi lang ng okay lang, pero alam mong deep inside hindi.

“Pero siya talaga, pag sinabi niya, alam mong buung-buo sa loob niya pag sinabing okay lang.”

Alam daw nilang dalawa kung paano ihiwalay ang trabaho at personal nilang buhay.

Tiniyak din ni Jak na secured siya kay Barbie kahit na maipareha ito sa ibang aktor.

“Bago naman talaga kami maging love team, nagkasama sa isang project, meron naman na siyang leading man na iba.

“Nagkapelikula pa siya with Derrick [Monasterio], Ken Chan, yung iba na rin niyang nakasama sa trabaho, like Andre [Paras].

“Walang dapat ikaselos dahil professional siya, e.”

Dugtong pa ni Jak, “'Tsaka, so far, lahat halos nakakatrabaho niya, kaibigan niya.

“Confident naman ako sa kanya.

“Minsan nga sinasabi niya sa akin, ‘Magselos ka naman!’” natatawang kuwento ni Jak.

Continue reading below ↓

Magkasama sina Jak at Barbie sa Kara Mia, kung saan lead stars din ang tambalan nina Mika dela Cruz at Paul Salas.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Jak Roberto admits feeling thrilled and turning into a fan when he bumped into Kapamilya artist Bea Alonzo after attending the Sinulog Festival. "Nagkaroon ako ng chance na magpa-picture. Kumbaga, sabi ko, why not? Fan talaga ako, e. Talagang naging fanboy ako nung makita ko siya."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results