Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Alexa Ilacad opens up about being betrayed by a showbiz friend

by Rachelle Siazon
Jan 25, 2019
<p>Alexa Ilacad on cutting ties with her unnamed friend who betrayed her: "Pag nagkikita kami akala niya okey lang. Tinatawag pa niya ako, niyayakap. Yun yung pinakamasakit dun, e. Kasi parang, 'Wait, hindi mo alam na binabastos mo ako? For you okey lang yun?'"</p>
PHOTO/S: @alexailacad Instagram

Inamin ni Alexa Ilacad na ang pagkasira ng pagkakaibigan nila ng isang pinagkakatiwalaang tao sa showbiz ang isa sa mga iniyakan niya nang husto noong 2018.

"The heartache showbiz brings, sobrang dami talaga.

"Rejection, always. And just the people around you, the fake people. Betrayal, that hurts the most," pag-amin ng 18-year-old Kapamilya actress.

"Like, akala ko okey kami, kasi friend ko siya, 'tapos nagti-text kami.

"'Tapos nakikita ko online, naninira na. I'm like, 'Ha? Huling check ko okey tayo, ha. Bakit may ganito?' Surprise much!"

Direkta siyang sinisiraan online?

Paglilinaw ni Alexa, "Not directly speaking ill. Like, nagpapatama online when I thought we were fine.

"I would understand na ganunin niya ako if we weren’t okay."

Ang hindi raw matanggap ni Alexa ay ang pagpapakitang-tao ng inaakala niyang kaibigan.

Walang binanggit na pangalan ang aktres, pero kinumpirma niyang showbiz personality rin ang kanyang tinutukoy.

"Pag nagkikita kami, akala niya okey lang. Tinatawag pa niya ako, niyayakap. Yun yung pinakamasakit dun, e.

Continue reading below ↓

"Kasi parang, 'Wait, hindi mo alam na binabastos mo ako? For you okey lang yun? Akala mo okey lang sa akin?'

"Hindi niya alam yung gravity ng ginawa niya."

Ikinuwento ito ni Alexa sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic Gives Back, noong December 2018.

FRIENDSHIP OVER

Hindi raw nagkaroon ng pagkakataon si Alexa na kumprontahin ang taong sumira sa kanyang tiwala.

"Wala, inisip ko na lang na first of all, I never want to fight. I never want to cause conflicts.

"Kung magkaibigan kami, hindi niya gagawin yun.

"So ganun pala, when it's convenient for you to be my friend, you'll be there.

"But when you see another bigger chance, you would drop… not just even drop you but hurt and sabotage you.

"Sa isip ko, 'So this is how they play the game. I don’t wanna play. Hindi ko ito kaibigan.'"

Kusa raw lumayo si Alexa sa hindi pinangalanang personalidad na iyon.

Continue reading below ↓

Napagtanto rin niyang hindi dapat basta-basta nagtitiwala sa tao.

"I've established my own friends outside showbiz and I plan to keep it that way.

"It's not that I'm closing my doors. It's just that I know who to open it for.

"Showbiz brought so many tears and so many toxicity and hurt. Why would I allow myself to go through that if I can stop it?"

ON FINDING A NEW BARKADA

Si Alexa ay first-year college sa Treston International College, kung saan nag-aaral siya ng kursong Business Administration Major in Marketing.

Doon daw siya nakahanap ng bago niyang circle of friends.

"I thought I was an introvert, but, no. When it comes to the right people, I open myself up to an extreme.

"Maybe I wasn’t just comfortable before with the people I used to associate myself with."

Dugtong ni Alexa, "Now, I like to hang out with my friends, I like to talk to my classmates. I'm participating all out.

Continue reading below ↓

"That the old me wouldn’t have done because I thought the people who I want to please would judge me.

"But I've found people who truly love me, who want to see me grow and who want to help me grow in that growth.

"Yun ang mga taong iki-keep ko."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Alexa Ilacad on cutting ties with her unnamed friend who betrayed her: "Pag nagkikita kami akala niya okey lang. Tinatawag pa niya ako, niyayakap. Yun yung pinakamasakit dun, e. Kasi parang, 'Wait, hindi mo alam na binabastos mo ako? For you okey lang yun?'"</p>
PHOTO/S: @alexailacad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results