Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Paul Salas moves on from past issue with ex-girlfriend Barbie Imperial

by Bernie V. Franco
Jan 26, 2019
<p>Paul Salas on improving his craft: "Hindi naman kasi porke’t pag sinabing simula bata pa artista na, magaling na um-acting, di na kailangan mag-workshop. Pag may workshop, gina-grab ko pa rin, kasi iba pa rin yung may natututunan ka pa rin. Kumbaga, training yun."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Noong 2018, nadawit sa kontrobersiya si Paul Salas, 20, at ang dating girlfriend nitong si Barbie Imperial, 20.

Inakusahan ang young actor ng diumano’y pananakit base sa cryptic posts at photos ng dalaga.

Pinili ni Paul na manahimik tungkol sa isyung ito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paul sa pocket presscon para sa upcoming GMA prime-time series na Kara Mia, Huwebes, January 24, sinabi nitong ginawa niyang motivation ang isyu para lalong maging matibay.

Dagdag niya, “Para lalo akong lumakas, para lalo akong magka-inspirasyon, lalong magpursige sa life.”

Hiningi rin ang opinyon ni Paul tungkol sa panghuhusga sa kanya ng ilang tao noon dahil sa naging isyu nila ni Barbie.

Pahayag niya, “Ako kasi, di ko na po iniisip yun.

“Iniisip ko lang talaga yung magiging career ko sa GMA, sa new show ko.”

Nagsimula si Paul sa showbiz nang sumali siya sa kiddie reality-based artista search ng GMA-7, ang StarStruck Kids, noong 2004.

Continue reading below ↓

Pitong taong gulang noon si Paul.

Nakagawa siya ng ilang projects sa GMA-7, pero lumipat siya sa ABS-CBN noong 2008.

Bumalik siya sa bakuran ng Kapuso network noong May 2018.

Itinuon daw ni Paul ang pansin sa pagbabalik-Kapuso niya.

“So, hindi ko na rin inisip kung ano sinabi nilang bad comments sa akin or anything.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Basta ako, kilala ko kung sino ako.”

Wala raw munang love life para kay Paul ngayon.

“Wala. Talagang focus muna ako sa work. Mas okay muna sa ganun.

“Siguro pag may dumating talaga na tamang tao sa puso ko.”

STORIES WE ARE TRACKING

OUT TO PROVE HIMSELF

Determinado rin si Paul na patunayan ang kakayahan bilang aktor, lalo pa’t aminado siyang marami ang nagduda sa kanya noon.

Ito ang dahilan kaya tuwang-tuwa ang aktor na maging isa sa mga bida ng Kara Mia, kasama sina Mika dela Cruz, Jak Roberto, at Barbie Forteza.

Saad niya, “Sobrang saya! Nagpapasalamat talaga ako sa production at sa GMA Network dahil binigyan po ako ng chance na ganito.

Continue reading below ↓

“Nakaka-pressure talaga, 100 percent, kasi maraming nag-doubt sa ‘kin dati.

"Kasi marami na rin akong mga nagawang shows na isa rin ako sa mga lead role, so alam ko ma-pressure, pero gagawin ko na lang kung ano yung dapat gawin.”

Paano niya pinatunayang karapat-dapat pa rin siyang manatili sa industriya?

Ayon kay Paul, “Pinapakita ko lang talaga sa kanila na lalo ko pa ini-improve ang acting ko.

“Hindi naman kasi porke’t pag sinabing simula bata pa artista na, magaling na um-acting, di na kailangan mag-workshop.

“Pag may workshop, gina-grab ko pa rin, kasi iba pa rin yung may natututunan ka pa rin. Kumbaga, training yun.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Paul Salas on improving his craft: "Hindi naman kasi porke’t pag sinabing simula bata pa artista na, magaling na um-acting, di na kailangan mag-workshop. Pag may workshop, gina-grab ko pa rin, kasi iba pa rin yung may natututunan ka pa rin. Kumbaga, training yun."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results