Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman names her toughest competitors for the crown

by Jerry Olea
Jan 26, 2019
<p>Karen Gallman on the first she wants to do after winning Miss Intercontinental title: "Sleep!"</p>
PHOTO/S: Jerry Olea

“Sleep...” Iyan ang unang gustong gawin ni Karen Gallman matapos siyang koronahan sa 47th edition ng Miss Intercontinental sa MoA Arena.

Pasado hatinggabi na nang koronahan si Karen sa timpalak.

Sa dami ng nagpalitrato sa kanya sa backstage, halos 1 A.M. na nang mainterbyu siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Siyempre pa, masayang-masaya ang dalaga, lalo pa’t buo ang suporta sa kanya ng mga taga-Binibining Pilipinas, sa pangunguna ni Madam Stella Marquez-Araneta.

Isa si Madam Stella sa mga unang bumati kay Karen, at sinabihan daw siya nito na alam nitong siya ang magwawagi, pagka’t siya ang pinakamaganda nang gabing iyon.

Sa tingin ni Karen, pinakamatindi niyang katunggali sina Miss Costa Rica (Adriana Moya Alvarado, 1st runner-up) at Miss Slovak Republic (Laura Longauerova, 2nd runner-up).

“Everyone did so well. I’m so happy for the girls. Everyone was beautiful,” pakli ni Karen.

“What a night! It has been such a good experience!”

Continue reading below ↓

Ang mensahe ni Karen sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta:

“Wow! They are amazing.

"I have such an amazing support system and I’m so grateful to each and everyone of them... who came out here tonight to cheer me on.

“It meant so much. They gave me more confidence onstage, and they’re waving their flags, and screaming ‘Philippines’!”

Siyempre, matutuwa si Karen kung may homecoming parade siya sa Bohol.

Sa Valentine’s Day, gusto niya sanang mag-Boracay. Hindi pa niya masabi kung sinu-sino ang makakasama niya roon kung sakali.

Ite-telecast ang 47th Miss Intercontinental ngayong Linggo ng umaga, January 27, bago mag-ASAP Natin ‘To, sa ABS-CBN.

Read Next
Read More Stories About
Karen Gallman
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Karen Gallman on the first she wants to do after winning Miss Intercontinental title: "Sleep!"</p>
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results