Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Xian Lim explains why he and Kim Chiu kept their relationship from the public

by Glenn Regondola
Jan 28, 2019
<p>Xian Lim on why he and Kim kept their relationship a secret: "Nung magsisimula pa lang kami, ang daming tutol."</p>
PHOTO/S: Mark Atienza

Sa unang pagkakataon ay nagpaliwanag si Xian Lim kung bakit natagalan silang umamin ni Kim Chiu, sa kabila ng maraming pangyayaring nagpapatunay na silang dalawa na nga.

Mismong si Kim Chiu ang umamin sa relasyong ito nang mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda noong November 2018.

Taong 2011 pa nagsimulang ma-link sina Kim at Xian, simula nang magkasama sila sa teleseryeng My Binondo Girl.

Ayon sa Viva actor, silang dalawa ni Kim ang nagdesisyong aminin na ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ani Xian, “Hindi naman siya kinailangan. It’s just sort of natanong after so many times.

“After so many times na natatanong, dumarating naman sa point na...

“Noong una kasi, nakakatakot na umamin, kasi ang dami sa outside world na nagsasabi na, 'Kasi ganito ‘yan, e.’

“Dumating na rin siguro sa point na hindi na namin pinu-promote yung love team namin.”

Patuloy pa ni Xian, “Kasi, yun ang laging sinasabi nila na, ‘Kasi, magka-love team lang ‘yan, kaya nagsu-sweet-sweetan lang ‘yan.’

Continue reading below ↓

“At a very early stage ang dali kasing buwagin, e."

Paliwanag ni Xian, natakot siyang makaapekto ang mga sinasabi ng iba sa relasyon nila ni Kim.

“Maraming pumapasok, maraming... nasabi ko naman sa Magandang Buhay na nung magsisimula pa lang kami, ang daming tutol sa relationship.

“Ang daming nagsasabi na, '''Yang si Xian ganito kasi ‘yan. Gusto lang niyang maki-ride. Kasi may show ‘yan, gusto lang i-promote.'

“At one point, wala naman kaming pinag-usapan.

“Dumating naman kami sa point na ang dami naming pinagdaanan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa grand mediacon ng pelikulang Hanggang Kailan? na ginanap sa La Reve events place sa Quezon City, noong nakaraang linggo.

Ito ang pangalawang movie ni Xian Lim sa Viva Films pagkatapos niyang lumipat sa Viva Artists Agency mula sa Star Magic.

Una niyang ginawa ay ang movie with Sarah Geronimo na Miss Granny.

Kahit tapos na ang love team nila ni Kim onscreen, marami pa rin ang gustong malaman kung handa ba si Xian na i-produce ang love team nilang dalawa, lalo na ngayon na nag-venture out na siya sa movie production.

Continue reading below ↓

Aniya, “Nababanggit ko kay Kim ‘yan.

“Sinasabi ko sa kanya na, ‘Kim, alam mo naman na nagtayo na ako ng...’

“Hopefully, hopefully.

“Nasa istorya pa naman ‘yan, e.

“After taking the class of Sir Ricky Lee, and mentoring sa iba't ibang...

“Hopefully talaga, makagawa kami ulit ni Kim.”

Ang huling pinagsamahan nila ay ang Metro Manila Film Festival 2015 entry na All You Need Is Pag-Ibig na mula sa Star Cinema.

Pagkatapos naman ng pelikulang Hanggang Kailan? na pinagsamahan nila ni Louie delos Reyes, isang indie movie na naman ang ginagawa niya, pero hindi pa ang sa kanilang dalawa ng kanyang girlfriend.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Xian Lim on why he and Kim kept their relationship a secret: "Nung magsisimula pa lang kami, ang daming tutol."</p>
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results