Angel Locsin to bashers body-shaming her: "Perfect ka?"

by Rachelle Siazon
Jan 29, 2019
<p>Angel Locsin to bashers criticizing her figure: "Wala akong problema. Ba't ikaw ang dami mong issue?"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi nagpatinag si Angel Locsin, 33, sa bashers na panay ang batikos sa kanyang pangangatawan.

Base ito sa comments ng netizens na todo kung makalait sa umano'y kapansin-pansing pagdagdag ng timbang ng Kapamilya actress.

Ani Angel, "Kung iisipin mo, parang maaawa ka na lang sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo yun? Perfect? Perfect ka? Sobrang perfect mo?"

Nakapanayam si Angel ng TV host na si Boy Abunda sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, kagabi, January 28.

Dito sinabi ni Angel na hangga't maaari ay hindi siya nagpapaapekto sa mga negatibong comments na ibinabato sa kanya sa social media.

Hindi rin daw niya lubos maisip kung anong klaseng tao ang may kakayahang manlait ng kapwa.

Patuloy ng aktres, "Hindi mo na lang papatulan. May mga bagay na hindi mo gagawin sa kapwa mo.

"So itong taong 'to, comfortable siya na ginagawa niya 'yan, parang ayoko mag-deal sa mga ganung klaseng mga tao.

Continue reading below ↓

"Kasi ang sad, ang sad ng life niya."

Ang mahalaga ay kumportable raw si Angel sa katawan niya.

"Kasi ako, wala akong problema. Ba't ikaw ang dami mong issue? Ako nga walang issue, e.

"Katawan ko 'to. Ako 'to, sarili ko 'to. E, ikaw, okey ka ba?"

Nabanggit din ni Angel sa kanyang panayam na "for life" na ang pagkakaroon niya ng disc bulge.

Ayon sa physioworks.com.au, ang bulging disc ay isang spine injury sanhi ng "pre-existing weakness" sa isang bahagi ng spine.

Makukuha rin daw ito sa aksidenteng biglaang increase ng pressure sa intervertebral disc ng spine.

Patuloy ni Angel, mag-i-improve lang ang condition ng kanyang disc bulge pero habambuhay nang limitado ang kanyang paggalaw.

Naaalala raw niya na noong unang beses siyang nag-workout ay napaiyak siya sa sobrang sakit.

Sa kabila nito, tinanggap na raw ni Angel ang kanyang health condition para makapag-move on sa iba pang bagay na nais niyang gawin.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angel Locsin to bashers criticizing her figure: "Wala akong problema. Ba't ikaw ang dami mong issue?"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results