Miles Ocampo still in contact with John Lloyd Cruz; reacts to transfer of Kiray Celis to GMA-7

by Arniel C. Serato
Feb 1, 2019
<p>Miles Ocampo happy for former<em> Goin' Bulilit</em> co-star Kiray Celis: "Siguro yung desisyon [niyang] ito para maka-try din po siya ng ibang experiences, and ibang environment para sa growth din niya yun bilang artista."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Patuloy pa rin daw ang komunikasyon ni Miles Ocampo at dating kasamahan nito sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz.

"Kuya" pa nga ang tawag niya sa award-winning actor.

"Nakakausap ko po si Kuya Lloydie, nagkaka-text kami," banggit ni Miles.

Pero ayaw na niyang magdetalye kung ano ang pinag-uusapan nila ng aktor, na piniling iwan muna ang showbiz.

Sa Home Sweetie Home, gumanap si John Lloyd bilang Romeo, asawa ni Toni Gonzaga bilang si Julie na kapatid naman ni Miles bilang Gigi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter si Miles sa set visit ng pelikulang Write About Love ng TBA Studios kagabi, January 31.

Kasama niya sa pelikula sina Yeng Constantino, Joem Bascon, at Rocco Nacino.

Continue reading below ↓
IMAGE Noel Orsal

KIRAY CELIS

Noong huling bahagi ng 2018 ay pumirma ng kontrata sa GMA-7 ang ka-batch ni Miles sa Goin' Bulilit na si Kiray Celis.

Magkasamang inilunsad ang dalawa sa kiddie gag show ng ABS-CBN noong 2005.

Ano ang masasabi ni Miles sa paglipat ni Kiray sa Kapuso Network?

Saad ng 21-year-old Kapamilya actress, “Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita ni Kiray, so nakita ko lang sa social media.

“Opo, siguro po nasa ano naman po 'yan, may kanya-kanya po tayong strategy, may kanya-kanya po tayong decisions in life.

“Siguro yung desisyon [niyang] ito para maka-try din po siya ng ibang experiences, and ibang environment para sa growth din niya yun bilang artista.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Miles Ocampo happy for former<em> Goin' Bulilit</em> co-star Kiray Celis: "Siguro yung desisyon [niyang] ito para maka-try din po siya ng ibang experiences, and ibang environment para sa growth din niya yun bilang artista."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results