Julie Anne San Jose got over breakup with Benjamin Alves after one week

by Rachelle Siazon
Feb 1, 2019
<p>Julie Anne San Jose on moving on after breakup with Benjamin Alves: "Gurl i just needed a week hahahha"</p>
PHOTO/S: @myjaps / GMA-7 via @benxalves Instagram

Mabilis nakapag-move on si Julie Anne San Jose, 24, matapos ang hiwalayan nila ng aktor na si Benjamin Alves, 29.

Isiniwalat ito ni Julie Anne sa pakikipag-usap niya sa kanyang Twitter followers nitong January 29, 2019.

Isang netizen ang nag-tweet na "idol" talaga si Julie Anne dahil "hindi na siya matagal makamove on huhuhuhu."

Pagpapatotoo naman ni Julie Anne, "Gurl i just needed a week hahahha."

November 2018 lumabas ang usap-usapang natuldukan na ang mahigit dalawang taong relasyon nina Julie Anne at Benjamin.

In-unfollow rin nila ang isa't isa sa Instagram bago magtapos ang 2018.

Kinumpirma rin ni Julie Anne na hindi na sila magkaibigan ni Benjamin, ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 10, 2019.

Pero wala siyang sinabing dahilan kung bakit nauwi sa breakup ang maganda nilang samahan noon.

Kung anu't ano man, siniguro ni Julie Anne na mas tutok siya sa pag-aalaga ng sarili.

Tanong ng netizen: ano ang status ng life ng singer-actress ngayong 2019?

Continue reading below ↓

Simpleng sagot ni Julie Anne, "Happy. Steady."

Sa mga sumunod na tweets ni Julie Anne, sinabi niya sa kanyang Twitter followers na may "date" siya sa February 14.

Sabay bawi rin ng singer-actress na ka-date niya ang sarili sa Valentine's Day.

Sa huli, nilinaw ni Julie Anne na single siya at wala pang bagong karelasyon.

Kaya malayo pa raw talaga sa isip niya ang pagpapakasal.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Julie Anne San Jose on moving on after breakup with Benjamin Alves: "Gurl i just needed a week hahahha"</p>
PHOTO/S: @myjaps / GMA-7 via @benxalves Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results