Hindi itinanggi ni Alyssa Muhlach na naapektuhan siya ng mga negatibong komento matapos mabigong maiuwi ang korona bilang Reina Hispanoamericana 2018, lalo na’t ang nanalo noong nakaraang taon ay ang kababayan at kapwa niya artistang si Winwyn Marquez.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alyssa sa grand mediacon ng pelikulang Bato: The Gen. Ronald Bato Story last week, naghayag siya ng saloobin tungkol sa mga panlalait sa kanya ng netizens.
Pahayag ng actress-beauty queen, “I’m sure, like any normal people, for sure, get affected by negative comments.
“But I don’t take it too hard, kasi I know who I am as a person.
“The things they comment on, like… especially on how I look, they’re really shallow things, and they don’t know me, so it won’t get to me especially.
"For example, like, yung talagang kilala ako ‘tapos biglang sinabi na, ‘Hey, something sa iyo, may mali.’ So, yun.”
DOES HEIGHT REALLY MATTER?
Ganunpaman, tinanong ng PEP.ph kung ano sa palagay ni Alyssa ang naging weak points niya sa Reina Hispanoamericana, lalo na't nabigo siyang mapabilang kahit man lang sa Top 10.
Sagot niya, “I guess, as a beauty queen, I guess one of my weak points was my height.
“Kasi, hindi po ako kasintangkad ng ibang beauty queens na 5’10”, 5’11”.
“You know, I really don’t understand how height is relevant to helping other people, to your advocacy.
“Kasi, like, 6’1” ka pero yung ugali mo naman, yung heart is not in helping other people, gusto mo lang i-prove na, ‘A, ako 6’1” ako, maganda ako.’
“I mean, why and why put that importance?
“Yun actually ang reasons why mas gusto ko po talaga sa showbiz as now, kasi they accept you more.”
Dahil ba sa naging karanasan niya pagkatapos ng Reina Hispanoamericana, hindi na siya sasali sa anumang beauty pageant? Nadala na ba siya?
Tugon ng anak nina Almira Muhlach at Bong Alvarez, “Sa totoo lang, mas masaya ako sa opportunities na ibinigay sa akin ng showbiz, pero I’ll never know kasi, yun nga, mas nakaka-pressure talaga sa beauty contests.
“Yun nga, parang yung carrying the entire Philippines.
“And yun nga, nire-represent mo na nga ang buong Philippines, bina-bash ka pa.
“Grabe talaga yung mga tao minsan.”
ALYSSA AS AN ACTRESS
Kaya ngayon, concentrated daw muna si Alyssa sa kanyang showbiz career, lalo na’t dalawang movies ang nakalinya sa kanya sa taong ito.
Una na nga itong Bato, na naging memorable daw ang kanyang karanasan.
Saad niya, “It was so fun.
“My mom, she told me to be always humble, be on time, and appreciate people who you work with, ang crew and staff.
“Yung pagiging Muhlach ko minsan ay napi-presure din ako, pero I always take it na lang as a motivation.
“Ako, I always believe you can still learn to be a better actor, kahit sa pagtanda mo, you still learn about acting.
“And that’s what I’m looking forward na matututunan ko in my journey here sa showbiz.”
