Joem Bascon plans to marry longtime partner this year

by Arniel C. Serato
Feb 1, 2019
<p>Joem Bascon on marrying longtime partner Crisha Uy: "Nasa isip na yun, siyempre hindi naman na ako bumabata, e. Iniisip ko na talaga, di naman mag-settle down, it's more of siguro ito na yung time na para sa amin namang dalawa, na maging masaya kami, magkaka-baby kami, magkaroon kami ng family, and at the same time magwu-work pa rin ako."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @crishauy on Instagram

Walong taon na ang relasyon ni Joem Bascon, 32, sa girlfriend niyang YouTuber na si Crisha Uy, 30.

Sa loob ng nasabing panahon, limang taon silang nagli-live in.

Bakit hindi pa sila nagpakasal noon?

Nakangiting sagot ng Kapamilya actor, “Kailangan ko munang pag-ipunan.

“Kaya nga ako may work kaagad ngayon for the year, e, kailangan kong mag-ipon.”

Continue reading below ↓

Matagal na raw balak ni Joem na gawing pormal ang kanilang pagsasama ng partner.

“Nasa isip na yun, siyempre hindi naman na ako bumabata, e.

“Iniisip ko, na talaga, di naman mag-settle down, it's more of siguro ito na yung time na para sa amin namang dalawa, na maging masaya kami, magkaka-baby kami, magkaroon kami ng family, and at the same time magwu-work pa rin ako.

“Nag-jibe lang kami, ayun, nagsama kami, and okay naman.

"I’m very happy na ganun yung set-up namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem sa set visit ng ginagawa nitong pelikula under TBA Studios, ang Write About Love, kagabi January, 31.

Makakasama niya rito sina Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Rocco Nacino.

UPGRADING THE RELATIONSHIP

Ayon pa kay Joem, masaya sila ni Crisha sa araw-araw na itinatakbo ng kanilang buhay.

Kaya naman, baka ngayong taon na mangyari ang pinakahihintay nilang pagpapakasal.

Saad ng aktor, “Siguro, i-upgrade na namin ito into a family, kasal, yun.

Continue reading below ↓

“Siyempre, ngayong taon na yun.

“Sana po, hopefully. Nakilala na naman lahat ng sides ng family ko, side ng family niya.

“Basically, ito na yung right time, age na for both of us.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Joem Bascon on marrying longtime partner Crisha Uy: "Nasa isip na yun, siyempre hindi naman na ako bumabata, e. Iniisip ko na talaga, di naman mag-settle down, it's more of siguro ito na yung time na para sa amin namang dalawa, na maging masaya kami, magkaka-baby kami, magkaroon kami ng family, and at the same time magwu-work pa rin ako."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @crishauy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results