Luis Manzano, Jessy Mendiola clap back at bashers saying he won't marry her

by Bernie V. Franco
Feb 1, 2019
<p>Kapamilya couple Luis Manzano and Jessy Mendiola join forces in answering bashers claiming that the TV host will no longer marry the actress.</p>
PHOTO/S: Mark Atienza

Hindi nagustuhan ng magkasintahang Luis Manzano, 37, at Jessy Mendiola, 26, ang komento ng ilang netizens na sinasabing hindi raw pakakasalan ni Luis si Jessy.

Sinabihan pa ng isang netizen si Jessy na huwag na siyang umasang pakakasalan siya ng TV host-actor.

Sa kanyang Instagram account nitong January 31, Huwebes, nag-post si Jessy ng preview ng latest vlog entry niya.

Mapapanood na tinanong ni Jessy ang kanyang kapatid kung sa palagay nito ay magkakatuluyan ang aktres at si Luis.

Sa comments section, dalawang netizens ang nagkomento.

Anila, wala raw balak pakasalan ni Luis si Jessy.

Komento ng unang netizen: “Ayaw kasi syang pakasalan ni Luis, kung pakakasalan yan matagal n sana”

Sundot ng isang netizen: “korek! Wag kn umasa @senorita_jessy kc kung talagang mahal ka nyan ayain kn magpakasal [peace sign emojis]”

Continue reading below ↓

Sumagot dito sina Jessy at Luis.

Banat ng Kapamilya actress: “wow kayo pala ang magdetermine sa kasal ng ibang tao. Kakaiba, mas marunong pa kayo sa mismong nasa relasyon.”

Buwelta naman ng Minute To Win It host, “so dapat kami mag aadjust sa time table na gusto niyo? Hahahahaha, yung totoo sana… yung kabobohan niyo namana bay an o sa inyo nagsimula yan?

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Luis: ganito nalang [first netizen], ang pakialaman mo buhay ni [second netizen] at siya sa buhay mo, para di na kami makialam sa away ng mga bobo"

Pero hindi rito tumigil ang isa sa dalawang netizens.

Muli itong nagtanong kung bakit hindi pa nagpapakasal sina Luis at Jessy kahit matagal na ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Sabi ng netizen: “Tagal nyo na bakit d pa kau mag plan ng kasal.. mamaya makakita pa si luis ng iba [peace sign emojis]”

Sagot ni Jessy, hindi minamadali ang pagpapakasal at hindi sila napi-pressure ni Luis tungkol sa usaping ito.

Komento ng aktres: “may tamang panahon yang kasal. Di naman minamadali ang ganong bagay. Relax ka lang. chill. [kiss emoji]”

Continue reading below ↓

Higit sa dalawang taon na ang relasyon nina Luis at Jessy.

Sa loob ng dalawang taong ito, madalas usisain ang dalawa kung kailan sila magpapakasal.

Sagot naman ng dalawa, napag-uusapan nila ang kasal, subalit wala pang petsa kung kailan ito mangyayari.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
<p>Kapamilya couple Luis Manzano and Jessy Mendiola join forces in answering bashers claiming that the TV host will no longer marry the actress.</p>
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results