Sunshine Dizon pursues case against estranged husband Timothy Tan's alleged mistress Clarisma Sison

by Arniel C. Serato
Feb 2, 2019
<p>Sunshine Dizon drops all the complaints she filed against estranged husband Timothy Tan last January 2017.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Pagkatapos ng halos tatlong taon, patuloy pa raw na dinidinig sa korte ang kasong isinampa ni Sunshine Dizon laban sa pinangalanan niyang "mistress" ng mister na si Clarisma Sison.

Naghiwalay sina Sunshine at ang asawa nitong si Timothy Tan noong 2016 dahil sa diumano'y pangangaliwa nito.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine kagabi, February 1, sa grand media conference ng Inagaw Na Bituin, sabi niya, "I cannot talk about it kasi may ongoing pa pong isang kaso.

"Wala naman [gag order], pero I was advised by my lawyer.

"Hindi na naman about my husband, yung babae yung kinasuhan ko."

Hindi na nagbigay ng detalye si Sunshine tungkol sa kaso—kung concubinage, ang isinampa niya dati kay Clarisma, o nag-iba na ito.

Samantala, iniurong niya ang mga reklamong isinampa laban sa asawa noong nakaraang January 2017.

Nananatili naman daw na civil ang relasyon nila ng estranged husband na si Timothy.

Continue reading below ↓

For now, masaya si Sunshine dahil hindi siya nawawalan ng project sa GMA-7.

IMAGE Noel Arniel

Kasama si Sunshine sa show na pagbibidahan nina Kyline Alcantara, Renz Valerio, Manolo Pedrosa, at Therese Malvar.

Kabilang din sa all-star cast ng show sina Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Angelu de Leon, Jackie Lou Blanco, at Angelika dela Cruz.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sunshine Dizon drops all the complaints she filed against estranged husband Timothy Tan last January 2017.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results