Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kyline Alcantara on being tagged as GMA's fast-rising star: "I'm just really thankful."

by Arniel C. Serato
Feb 2, 2019
<p>Kyline Alcantara: "I'm so thankful sa GMA, of course, dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon na ipakita ang talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Isa sa fast-rising stars ng Kapuso Network ngayon si Kyline Alcantara.

Ano ang masasabi niya rito?

Nakangiting sagot ng 16-year-old star, “Wow. Thank you. Well, salamat po...

“Hindi ko naman po ito maabot kung wala yung team ko. Totoo nga po yung sinasabi nila na it takes a village to, you know…

“I’m so thankful sa GMA, of course, dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon na ipakita ang talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos.

“I’m just really thankful.”

Sa social media, partikular sa Instagram, may 2.1 million followers na si Kyline.

Ang tawag sa kanyang mga fans ay "sunflowers."

Lahad niya, “I’m just very thankful for them, because cliché man, but alam nilang lahat na hindi ko makukuha ang lahat ng ito, hindi ko maabot ang anuman ang meron ako ngayon, kung wala sila.

“Kung hindi sila nakasuporta sa akin, kung hindi ganun kalakas, para suportahan ako, para depensahan ako.”

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline bago nagsimula ang grand media conference ng pagbibidahan niyang serye sa GMA na Inagaw Na Bituin.

Kasama rin sa show sina Renz Valerio, Manolo Pedrosa, Therese Malvar, Sunshine Dizon, Marvin Agustin, Gabby Eigenmann, Angelu de Leon, Jackie Lou Blanco, at Angelika dela Cruz.

Continue reading below ↓
Kyline Alcantara and Therese Malvar
IMAGE Noel Orsal

Ipapalabas na ito sa darating na February 11, sa GMA Afternoon Prime.

NETWORK'S FAVORITE?

Sunud-sunod ang proyekto ni Kyline.

Pagkatapos ng successful run ng first project niya with GMA-7, ang Kambal, Karibal, na umere mula November 2017 hanggang August 2018, ay siya na ang bida sa Inagaw Na Bituin.

Hindi ba siya nababahala na baka ka-inggitan siya ng ibang talents ng istasyon?

Tugon ni Kyline, "Naku po, sana naman po wala, pero you know may sari-sarili naman po kaming time mag-shine.

"You know, mahal ko kayong lahat, huwag po kayong mainggit kasi you’re beautiful, guys."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kyline Alcantara: "I'm so thankful sa GMA, of course, dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon na ipakita ang talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results