Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jameson Blake answers irked netizens saying he did not queue up at BLACKPINK concert

by Bernie V. Franco
Feb 4, 2019
<p>Hashtags member Jameson Blake denies claim that he did not line up at the BLACKPINK concert which took place this weekend. "We just waited til' it was our turn to get in," he explains.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

Ipinagtanggol ni Jameson Blake ang sarili matapos akusahang hindi pumila sa ginanap na concert ng all-female K-Pop group na BLACKPINK sa Mall of Asia Arena nitong Sabado, February 2.

Nagsimula ito nang i-share ng isang netizen via Twitter ang video kung saan makikita ang Hashtags member na wala sa pila at nasa isang tabi papasok sa venue ng concert.

Maririnig ang nagbi-video na sinasabing ang dami nilang nakapila pero wala sa pila si Jameson.

May caption din ang video: “Jameson Blake of Hashtags is here. Lahat ng fans nakapila based sa queue, but look at him. Wala man lang kahirap-hirap. Hindi nagjo-join sa queue. So ano? Porket artista? All of us waited an hour sa init at siksikan just to get in line. (Sorry pangit ng boses ko. Lol.”

Continue reading below ↓

Sa mga sumunod pang tweet ng netizens, sinabi nilang dumating si Jameson kasama ang kanyang mga kaibigan, pero hindi raw pumila ang aktor kahit may queue number ito.

May nakakita raw sa queue number ni Jameson at nasa pang-500 daw ito.

Pinariringgan daw ng mga nakapila si Jameson na pumila, pero tila wala raw itong naririnig.

Tweet ng netizen: “Fans were also chanting "pumila" still nothing. He was talking to the security and mmi staff and showed his queue number pero wala pa rin. Didn't get in line. We asked mmi staff kung hindi ba sya pipila and the staff said hindi sya ilalagay sa queue nya dahil baka dumugin sya.”

Continue reading below ↓

Read: Jameson Blake Was Called Out On Twitter For Not Lining Up At The BLACKPINK Concert

JAMESON EXPLAINS

Ngayong Lunes ng hapon, February 4, idinaan ni Jameson sa Twitter ang kanyang sagot sa paratang ng netizen.

Paliwanag nito, pagdating nila sa labas ng venue, ipinakita ng grupo niya sa organizers at guards ang kanilang queue numbers.

Sinabihan daw silang manatili sila sa isang gilid pero parte pa rin sila ng linya.

Paniniyak ni Jameson, “We just waited til’ it was our turn to get in. We were just following rules.”

Buong tweet ng aktor: "We got there and showed our queue number.

"The organizers, guards, the people in charge told us to stay by the side but we were still part the line.

"We just waited til’ it was our turn to get in. We were just following rules"

Continue reading below ↓

Nakipag-ugnayan din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic, ang talent management arm na kinabibilangan ni Jameson, para sa karagdagan pang reaksyon ni Jameson hinggil sa isyu.

Ilalathala namin ng sagot ng kampo ni Jameson oras na magpadala sila ng karagdagang pahayag.

Read Next
Read More Stories About
Jameson Blake, Blackpink
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Hashtags member Jameson Blake denies claim that he did not line up at the BLACKPINK concert which took place this weekend. "We just waited til' it was our turn to get in," he explains.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results