Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Loisa Andalio posts photos with boyfriend Ronnie Alonte "nung nagtatago pa tayo"

by Rachelle Siazon
Feb 6, 2019
<p>"Mahal na mahal kita," says Loisa Andalio in her sweet 26th monthsary message for boyfriend Ronnie Alonte. </p>
PHOTO/S: @iamAndalioLoisa Twitter

Isinapubliko ni Loisa Andalio, 19, ang ilan sa never-before-seen photos nila ng boyfriend na si Ronnie Alonte, 22.

Sa kanyang Twitter post noong January 25, inamin ni Loisa na hindi niya maibahagi ang mga litrato nila ni Ronnie noong panahong lihim pa lang silang magkarelasyon.

Noon lamang November 2018 kinumpirma ng young actress na dalawang taon na silang magkarelasyon ng Hashtags member.

Balik-tanaw ni Loisa: "Mga panahong nililigawan mo palang ako at nagtatago palang tayo whahahahahahahaha

"Pero ngayon 26 months na tayo [tongue sticking out and shining emojis]

"Happy 2 years and 2 months behhhh!!!

"Mahal na mahal kita alam mo yan [heart] mwaah"

May dalawang larawan kung saan makikita ang coffee at dine-out date nina Loisa at Ronnie.

Continue reading below ↓
IMAGE @iamAndalioLoisa Twitter

Mayroon din silang kuha na nagsu-swimming sa isang hindi pinangalanang lugar.

IMAGE @iamAndalioLoisa Twitter

Ang isa pang litrato ay kuha habang sila ay tila on stand-by sa isang work commitment na pinagsamahan nila.

Continue reading below ↓
IMAGE @iamLoisaAndalio Twitter

Sina Loisa at Ronnie ay unang nagkatrabaho sa ABS-CBN noon-time show na It's Showtime, kung saan miyembro ang dalaga ng grupong GirlTrends habang ang binata ay kasama sa grupong Hashtags.

Sa kasalukuyan, mapapanood ang kanilang tambalang LoiNie sa Kapamilya prime-time series na The General's Daughter.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Mahal na mahal kita," says Loisa Andalio in her sweet 26th monthsary message for boyfriend Ronnie Alonte. </p>
PHOTO/S: @iamAndalioLoisa Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results