Nag-propose na si Gardo Versoza, 49, sa kanyang non-showbiz partner na si Ivy Vicencio pagkatapos ng 13 taong pagsasama.
Ibinahagi ng Kapuso actor via Instagram ang proposal niya kay Ivy nitong Sabado, February 2.
Kalakip nito ang larawan ng kama na may naka-spell out na “Will you marry me?”
Caption ni Gardo: “after 13 years…i wanna grow old with you [emojis] i wont last a day without you”
Nag-share din si Gardo ng larawan kung saan proud na ipinakita ni Ivy ang engagement ring na bigay sa kanya ng aktor, at may tarpaulin sa likod na may nakasulat na "Will you marry me ‘Shugs’"
"Shugs" ang term of endearment nina Gardo at Ivy.
Bumuhos naman ang pagbati kay Gardo mula sa mga kapwa niya artista; kagaya nina Carla Abellana, Jackie Lou Blanco, Iwa Moto, Arnold Clavio, at Gina Alajar.
May isa nang anak na lalaki sina Gardo at Ivy—si Deity Uziel, 5.
