Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Comedian Bentong dies at 55

by Rachelle Siazon
Feb 9, 2019
<p>Comedian Bentong reportedly died this Saturday morning, February 9, at Fairview General Hospital in Quezon City. </p>
PHOTO/S: Web

Pumanaw ang comedian na si Bentong ngayong Sabado ng madaling araw, February 9.

Si Bentong—na ang tunay na pangalan ay Domingo Vusotros Brotamante Jr.— ay 55 years old.

Ang nagpakilalang son-in-law ni Bentong na si Arvin Arniedes ang nagbalitang bandang 5 a.m. kanina binawian ng buhay si Bentong sa Fairview General Hospital sa Quezon City.

Hindi nabanggit kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng comedian.

Narito ang kabuuang post ni Arvin, published as is:

"Rest in Peace Papa Bentong hindi ko akalain na heto na ang ating huling pagsasama naten alam ko kasama mo na ang Panginoon ngayon kaya panatag narin ang loob ko.

"Maraming maraming salamat Papa sa pag aaruga sa Pamilya naten. Maraming salamat din dahil napakarami mo napasayang tao. Mahal na mahal ka namin Pa.

"#Bentong was born on January 12, 1964 in Tabaco, Albay, Philippines as Domingo Vusotros Brotamante Jr.

"He passed away this morning February 09, 2019 Saturday at approximately 5am in Fairview General Hospital."

Continue reading below ↓

Narito ang isa pang family photo na ibinahagi ni Arvin kasama ang father-in-law niyang si Bentong:

Si Bentong ay nakilala sa kanyang hosting stints sa now-defunct noontime shows ng ABS-CBN na MTB at Wowowee, na pinangunahan ng TV host na si Willie Revillame.

Noong April 2016, muling binigyan si Bentong ng TV break ni Willie nang isama niya ito sa Kapuso variety show na Wowowin.

Continue reading below ↓

Samantala, ang pamunuan ng Star Magic ang isa sa mga unang nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Bentong.

Narito ang kabuuang pahayag ng talent management arm ng ABS-CBN:

"It is with great sadness that we confirm the passing of comedian Domingo Brotamante, also known as Bentong, this morning.

"We ask everyone to pray for the eternal repose of his soul and the comfort of the loved ones he left behind."

Read Next
Read More Stories About
Bentong dies, celebrity deaths
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Comedian Bentong reportedly died this Saturday morning, February 9, at Fairview General Hospital in Quezon City. </p>
PHOTO/S: Web
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results