PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN
"Walang mapagsidlan ng tuwa ang Star Power 12, matapos ang mainit na pagtanggap sa kanila ng entertainment press sa isang presscon na ginanap sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN noong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 24.
"Hindi po ako makapaniwala na naghanda po sila ng presscon para sa aming Star Power girls. Siyempre, kinakabahan kami sumagot sa umpisa. Pero nang tumagal, sobrang nag-enjoy na din kami na kausap sila," ani Krissel, ang versatile vocalista ng Davao.
"Ang pagharap sa press ay isa lamang sa mga hamong dapat harapin ng Star Power 12 upang maging ganap na mga bituin. At ngayong Linggo, versatililty o pagiging handa sa iba't ibang klaseng challenges ang dapat malampasan ng mga contenders. The girls must get out of their comfort zones," ang sabi naman ng Megastar Sharon Cuneta, host ng Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar
"Lahat sila ay kailangang mag-perform sa kanilang hindi nakasanayang paraan o uri ng musika. Paano kaya nila malalampasan ang matinding hamon na ito?
"Akiko Solon (Cebu), Ninay Lescano (Lipa City), Kaye Racho (Cebu), Macy delos Reyes (Cebu), K-La Rivera (Canada), Natasia Cunanan (Bulacan), Rose Ann Francisco (Batangas), Laurice Bermillo (Bataan), Angeline Quinto (City of Manila), Sam Hernandez (Taguig City), Krissel Valdez (Davao) at Monica Sacay (Leyte). Sino kaya sa kanila ang magniningning nang husto at tatanghaling Sharon's Next Female Pop Superstar?
"Sino kaya sa nalalabing Star Power contenders ang karapat-dapat na magpaalam ngayong Linggo?
"Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN."
Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the TV station itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.