Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Is Glaiza de Castro jealous of Angelica Panganiban's friendship with Bela Padilla and Kim Chiu?

by Bernie V. Franco
Feb 11, 2019
<p>Angelica Panganiban teases close friend Glaiza de Castro (right photo, right), not to be jealous of her friendship with fellow Kapamilya stars Bela Padilla (left photo, left) and Kim Chiu (left photo, right). </p>
PHOTO/S: Photos from Instagram

"Ikaw naman ang mahal na mahal ko, e."

Ito ang pabirong sabi ni Angelica Panganiban, 32, sa kaibigang si Glaiza de Castro, 31.

Nitong Lunes, February 11, nag-post si Angelica sa Instagram ng maiksing video nila ni Glaiza.

Base sa biruan ng dalawang matalik na magkaibigan, tiniyak ni Angelica na kaibigan man niya ang kapwa Kapamilya stars na sina Bela Padilla, 27, at Kim Chiu, 28, mahal na mahal pa rin niya ang Kapuso na si Glaiza.

“Ikaw naman yung mahal na mahal ko, e. Chicks ko lang yung AngBeKi!” natatawang pahayag ni Angelica.

"AngBeKi" ang bansag sa grupo nina Angelica, Bela, at Kim.

Sagot ng Kapuso actress sa biro ni Angelica, “Uy, magagalit sila, mapapanood nila ‘to.”

Sa caption, binanggit ni Angelica kung ano ang pinanggagalingan ng kanilang biruan ni Glaiza.

Aniya: “Mga chix ko lang si @bela at @chinitaprincess Ikaw talaga mahal ko @glaizaredux wag ka na mag selos sa nunal namin…”

Continue reading below ↓

Nitong weekend, sabay-sabay na nagpa-tattoo ng korteng nunal sa bandang kamay sina Angelica, Bela, at Kim bilang simbolo ng katatagan ng kanilang pagkakaibigan.

Sa comments section, nagkomento si Glaiza.

Sabi ng Kapuso actress, “Babaldog ko nalang ang sarili ko.”

Ang "babaldog" ay salitang Kapampangan na nangangahulugang ihuhulog o ilalaglag.

Continue reading below ↓

MARK OF FRIENDSHIP

Nag-post din sina Bela at Kim sa Instagram nang sabay-sabay nilang pagpapa-tattoo.

Sa caption ay ipinahayag din nila ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angelica Panganiban teases close friend Glaiza de Castro (right photo, right), not to be jealous of her friendship with fellow Kapamilya stars Bela Padilla (left photo, left) and Kim Chiu (left photo, right). </p>
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results