Ara Mina says sister Cristine Reyes still healing after separation

by Rey Pumaloy
Feb 14, 2019
<p>While Ara Mina does not directly confirm Cristine Reyes's separation from husband Ali Khatibi, she says sister Cristine is taking time to move on. "Well, hindi naman ganon kadaling makarecover, e. It will take a while. Parang ako, kailangan ko pang akyatin ang bundok bago maka-move on."</p>
PHOTO/S: Ara Mina Instagram

Tumangging magsalita si Ara Mina tungkol sa estado ng hiwalayan ng kapatid na si Cristine Reyes at ng asawa nitong si Ali Khatibi.

Ngunit tiniyak nitong nakikita pa rin ni Ali ang anak nila ni Cristine na si Amara.

“Hindi naman niya pinagbabawalan," pakli ni Ara.

Ayon pa sa aktres, walang manliligaw ang kapatid sa kasalukuyan.

“Hindi niya priority yun, e,” ani Ara.

Sa kabilang banda, isa sa nakitang pagbabago ni Ara kay Cristine ay ang pagbibigay importansiya nito sa kanilang pamilya.

“Yung bumabalik siya sa pamilya namin. Kasi, understandable naman yun na kapag nag-asawa ka, yung priority mo, yun.

"Pero dapat kasi, kahit may asawa ka na, nakakasama mo rin both sides ng family. Yun ang nawala.

"But it’s her decision na lumayo [after magpakasal]. It’s not us.

"Kumbaga, family pa rin sa bandang huli, kumbaga.

“Kasi si Heidi naman, may asawa na, nakaka-bonding pa rin ng family, e. Yun ang dapat na hindi nawawala.”

Continue reading below ↓

Si Heidi Gatmaytan ang isa pang kapatid na babae nina Ara at Cristine.

Nagbigay pahiwatig naman si Ara na nasa healing stage pa rin si Cristine sa hiwalayan nila ni Ali.

“Well, hindi naman ganun kadaling maka-recover, e. It will take a while.

"Parang ako, kailangan ko pang akyatin ang bundok bago maka-move on.

“Nakatulong ang bundok sa pagmu-move sa akin, iiwanan ko ba ang bundok? Siyempre, continuous lang.”

Naging hobby ni Ara ang mag-trekking kasama ang kanyang mga kaibigan, at naka-post ito sa kanyang Instagram account.

Dagdag ni Ara tungkol kay Cristine, “Yes, dapat kasama ko siya sa pag-akyat ko sa bundok.

"Kaso, nagkaroon sya ng biglaang taping doon sa soap niya."

Iba naman ang paraan ng moving on ni Cristine. Ito ay ang pagpunta nya sa island resorts.

Exclusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa book launch ng mister ni Patricia Javier, ang chiropratic doctor na si Rob Walcher, ang Doc. Rob Guide to Better Health and Wellness, na ginanap sa mismong chiropractic clinic nito sa Tomas Morato, Quezon City, Sabado, February 9.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

SISTERS BONDING IN THAILAND

Nagkuwento rin si Ara sa naging bakasyon nilang magkakapatid sa Thailand nitong nakaraang linggo, para i-celebrate ang 30th birthday ni Cristine.

Unang na-post sa Instagram ang mga larawan ng pag-alis ng tatlong magkapatid.

View this post on Instagram

talk thirty to me sisters ????‍??

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Ipinaliwanag ni Ara kung bakit hindi nakasama ang kanilang inang si Venus Imperial, ang special child nilang kapatid na babae, at ang dalawa pa nilang kapatid na lalake sa ina.

Ayon kay Ara, “Mommy ko injured, 'tapos busy yung mga brothers ko, 'tapos biglaan…

“Parang tipong four days before lang. Parang ‘Ate, alis tayo!' 'Ha?’ parang ganun,” nangingiting saad ng aktres.

Nilinaw ni Ara na siya ang nagbayad ng kanyang airfare.

Bulalas niya, “Ako ang gumastos nung sa akin, 'no!”

Nakangiti niyang dugtong, “Unfair nga, e, hindi ako nilibre.

"Pero gift ko na sa kanya yung pagsunod ko sa kanya... three days yun.”

Continue reading below ↓

Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa bakasyon ang asawa ni Heidi.

“Kasi si Heidi at si Alfred, 15th wedding anniversary nila," paliwanag ni Ara.

Pagkatapos ng kanilang Thailand trip, nagtungo naman ng Boracay si Cristine kasama ang anak na si Amara, na nag-birthday noong February 8.

Kuwento ni Ara, “So, pagbalik niya, nag-storycon lang siya, 'tapos pumunta na siya ng Boracay.

"Kasi mawawala siya ng three weeks para sa shooting ng movie nila ni Xian.

"Yung direktor ng Kita Kita ang magdidirek ng movie nila,” pagtukoy niya kay Sigrid Andrea Bernardo.

Itinanggi ni Ara na nagpakasaya sila nang todo nina Cristine, gaya ng pagwa-walwal o paglalasing, sa Thailand.

“Hindi. Yung usual na wine-wine lang. Hindi walwalan.

"Puro kami massage, 'tapos puro kain ng mga seafoods. Order kami ng marami.

"Share-share kami sa bayad, 'tapos nanlibre ako. Siyempre, panganay.”

Base sa obserbasyon ni Ara, malaki na ang ipinagbago ni Cristine.

Continue reading below ↓

Sabi niya tungkol kay Cristine, “I can say mature na si AA."

"Kasi biro mo, birthday niya, gusto nya kami-kami lang, wala siyang party. So, aging na rin ang lola mo.”

Bagamat nabawasan, may pagka-impulsive pa rin daw ang kapatid, sabi ni Ara.

“Hindi pa rin totally nawawala yung pagbigla-bigla ng decision. Nandun pa rin yung moment niyang ganun.

“Kasi itong Boracay niya, biglaan din ito, e. Dapat Amerika kami tapos biglang naging Asian country, mga ganun.

“Siguro yung mga decision-making niya sa kanyang life, ah... basta ang advice ko sa kanya, love yourself.”

HEALTH & FITNESS

Walang natatandaan si Ara na nagkaroon ng emotional moment si Cristine sa bakasyon nila o nagkuwento sa pinagdaanan niya sa kanyang marriage.

“Wala. Puro bonding lang kami, puro kain ang ginawa niya actually.

"Super ang dami niyang ino-order, 'tapos parang kami naman ang umuubos. Parang patikim-tikim lang siya.

Continue reading below ↓

“Parang, 'Ang dami mong ino-order.' 'Tapos kuha lang siya ng ganito, tikim lang siya.

"Idinadaan niya sa pagkain. Pero hindi naman tumataba.

“'Tapos, nagbi-breakfast kami. Sasabihin niya, 'Magwu-workout ako, Ate.'

"'Grabe ka! Birthday na birthday mo, puwede ba spoil yourself. Magdyi-gym ka pa?'

"Ako nga may dalang pang-gym hindi ako nagdyi-gym.

“Ini-enjoy ko yung moment.”

Samantala, kahit nagtataglay ng toned body si Cristine, may isa raw itong pinapangarap na parte ng katawan ni Ara.

Pagmamalaking sabi ni Ara, “Sabi niya, mas malaki raw ang puwet ko sa kanya. Wala raw siyang puwet.”

May motivational factor din naman ang pangangatawan ni Cristine kay Ara, na naiisip na alagaan na ang kanyang health.

Aniya pa, “Ako naman, since I’m turning younger and younger, life begins at forty, 'ika nga, I’m starting to trim down my carbs.

“Dati hindi ko tini-trim down yung carbs ko. Hindi ko kaya.

Continue reading below ↓

"Ngayon nag-decide na ako [mag-diet]. I'm practicing intermittent fasting at less carbs.

“Sa Thailand, nag-isang pad thai lang ako, hati-hati kami. Puro gulay ang kinain ko at saka seafoods.

“Pag ganun pala, nasasanay ka na. Mga two weeks pa lang akong no-carbs.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>While Ara Mina does not directly confirm Cristine Reyes's separation from husband Ali Khatibi, she says sister Cristine is taking time to move on. "Well, hindi naman ganon kadaling makarecover, e. It will take a while. Parang ako, kailangan ko pang akyatin ang bundok bago maka-move on."</p>
PHOTO/S: Ara Mina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results