Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Winwyn Marquez refuses to reveal reason for breakup with Mark Herras

by Bernie V. Franco
Feb 14, 2019
<p>Winwyn Marquez opens up about breakup with Mark Herras: "Ang gusto namin together is to grow on our own, which is very mature. And I can say wala akong galit sa kanya at all." (Inset) Mark and Winwyn during happier times.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / @angelosantosherras on Instagram (inset)

Kinumpirma ni Winwyn Marquez, 26, na break na sila ni Mark Herras, 32, pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Naghiwalay raw sila noong 2018, pero hindi na nagdetalye tungkol dito ang beauty queen-actress.

Ginawa ni Winwyn ang rebelasyon sa press conference ng kanyang upcoming movie kasama si Enzo Pineda, ang Time & Again, mismong Araw ng mga Puso, February 14.

Inusisa si Winwyn kung ano ang mga indikasyon na maghihiwalay sila ni Mark.

“Sa amin na lang yung indications,” nakangiti niyang sagot sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter pagkatapos ng presscon proper.

Pero ang tiniyak niya ay hindi mababaw ang dahilan at walang third party.

“It’s a collection of small things na medyo mas… basta… It’s a deeper reason talaga.

“It’s not a petty reason na naiisip lang ng ibang tao, 'Siguro third party involved.'

“Yun kasi ang maiisip nila agad. It’s not that.

"It’s a deeper reason talaga and we tackled it maturely, which is good."

Continue reading below ↓

Sinubukan ba nilang ayusin ni Mark ang kanilang relasyon?

“Siyempre, yung breakup hindi naman one day break na kayo agad; when you wake up, break na kayo.

"No. Of course, we tried.

“Tinray talaga namin nang tinray hanggang sa naging mutual na lang ang desisyon [na maghiwalay], which is, for me… alam kong breakup, pangit pakinggan.

“Pero for me, it’s nice na naghiwalay kami nang maayos, nang walang away, nang walang third party involved.”

Sabi pa ni Winwyn, “And ang gusto namin together is to grow on our own, which is very mature.

“And hindi naman lahat ganun nagbi-break.

“And I can say wala akong galit sa kanya at all.”

May posibilidad bang makipagbalikan siya sa aktor?

"I wouldn’t close any doors kasi baka mamaya sabihin ko wala, 'tapos bukas kami na uli, di ba? I don’t know,” sagot ng Kapuso actress.

“Pero for sure, now, malabong mangyari yun.

“Pero in the future if kami, kami… why not, di ba?

Continue reading below ↓

“If he falls in love with someone else, he falls in love with someone else.

“Same with me, ganun, di ba?

"I don’t know... it depends talaga kung ano mangyari.”

STORIES WE ARE TRACKING

LESSON LEARNED

Tinanong ng PEP.ph si Winwyn kung ano ang natutunan niya sa relasyon nila ni Mark.

Tugon niya, “Siguro yun nga, with me and Mark… kasi we wanted to pull [each other up]…

"Dapat in a relationship talaga, like me and Mark, nung kami talaga, we tried to pull each other na parang ayaw naming may naiiwan, may nali-left behind.

“Kailangan tulungan sa lahat ng bagay.

“And dapat ganun naman lahat ng relationship.

“Hanggang sa dulo, magtulungan talaga kayo.

“Yun ang natutunan namin ni Mark.”

Marami ang hindi nagsuspetsa sa breakup nila dahil wala sa hitsura ni Winwyn na malungkot siya sa ginanap na presscon kanina.

Paliwanag ng former Reina Hispanoamericana titleholder, “Kailangan iwan ang dramahan sa bahay.

"Pag nasa labas, huwag ganun, para hindi maging big deal.

Continue reading below ↓

“For me, I don’t want naman to show everyone and to make a big deal out of it because, for me, it’s my problem.

“I just want to keep it for myself, kung ano yung pinagdadaanan namin.

“And mas mabuti na yun kesa sa pagpiyestahan pa, di ba?”

Sinabi rin ni Winwyn na wala siyang pinagsisisihan kahit naghiwalay sila ni Mark.

“Wala naman akong regret kay Mark. I have no regrets at all sa relationship namin.

“Masaya naman ako with him and all.

"Kahit naghiwalay kami ngayon, we just have to grow on our own. Yun lang talaga."

Read Next
Read More Stories About
Mark Herras, Winwyn Marquez
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Winwyn Marquez opens up about breakup with Mark Herras: "Ang gusto namin together is to grow on our own, which is very mature. And I can say wala akong galit sa kanya at all." (Inset) Mark and Winwyn during happier times.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / @angelosantosherras on Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results