Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Marco Gallo not hurt by Juliana Gomez allegedly denying their relationship

by Glenn Regondola
Feb 18, 2019
<p>Marco Gallo on admitting his past relationship with Juliana Gomez: "Kasi, lalabas at lalabas din ang katotohanan, di ba? Kaya, bakit naman hindi? Wala namang masamang bagay dun. Lahat naman tayo, nagkaka-dyowa, di ba, kaya yun po."</p>
PHOTO/S: Glenn Regondola

Naiintindihan daw ni Marco Gallo ang panig ni Juliana Gomez kung sakali mang totoo ang balitang itinatanggi ng dalaga ang naging relasyon nila noon.

Sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda noong February 2, inamin ni Marco ang naging ugnayan nila ng unica hija nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Representative Lucy Torres bago siya umalis pabalik ng Italy.

Short-lived at hindi umabot sa isang taon ang kanilang relasyon, ayon sa 18-year-old Filipino-Italian actor.

Pahayag niya tungkol sa diumano’y pagtanggi ni Juliana tungkol sa kanilang naging relationship, “Ano, it’s fine, ‘cause din naman, at first I was denying it.

“I didn’t want nga na... if it’s not needed to make it public, I don’t want, ‘cause it’s my life, it’s private, and I want to keep it...as private.

“Feeling ko, lahat tayo may damdamin, may feelings, and maybe I was not ready yet to tell the whole world what I felt for her dati, and stuff like that.

Continue reading below ↓

“That’s why we were all denying it, until it’s done na, it’s past.”

Nasaktan ba siya sa sinasabing denial na ito ni Juliana?

Sagot ni Marco, “Hindi naman po.

“Wala naman akong ganung effect na... kasi naipagpaalam ko naman, so okey.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“For me, the important thing is kahit buong world hindi alam, at least sila, alam.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa grand presscon ng pelikulang Familia Blondina, na ginanap sa Rack’s restaurant, Timog Avenue, Quezon City, nitong Linggo, February 17.

MUTUAL DECISION

Naging mutual ba ang desisyon nila ni Julia na maging private ang kanilang relasyon?

Saad ni Marco, “Yeah, kasi before Juliana, there were some relationship stuff na nasabi yung showbiz, and it affected our relationship.

“So, by experience, I don’t wanna... if in case may maka-love team po ako or kahit ano po yun, ayaw ko na muna ma-affect ba yung friendship namin.

“I want to explain to my love team na I don’t want showbiz to affect anything about the two of us.”

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, naitanong ng PEP.ph kung bakit nagdesisyun siyang i-reveal ang tungkol sa kanila ni Juliana sa panayam niya kay Boy Abunda.

Paliwanag ni Marco, “Kasi, lalabas at lalabas din ang katotohanan, di ba?

“Kaya, bakit naman hindi? Wala namang masamang bagay dun.

“Lahat naman tayo, nagkaka-dyowa, di ba, kaya yun po.”

Ibig bang sabihin nito ay wala nang second chance sa naputol nilang relasyon? Isinantabi na ba muna niya ang kanyang love life?

Saad ng dating Pinoy Big Brother housemate, “A, let’s see, hintayin na lang natin.

“Sa ngayon, wala pa naman, kasi ang focus ko ay work.

“Pero malay natin, habang nagwu-work ay ma-meet ako.”

For the record, ilang buwan o taon umabot ang kanilang relasyon?

Matagal na nag-isip si Marco bago sinabing, “Hmmm, officially, mga ilang months din po.

“Wala naman pong a year.”

Pero hanggang ngayon daw ay nananatili silang magkaibigan ni Juliana.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Marco Gallo on admitting his past relationship with Juliana Gomez: "Kasi, lalabas at lalabas din ang katotohanan, di ba? Kaya, bakit naman hindi? Wala namang masamang bagay dun. Lahat naman tayo, nagkaka-dyowa, di ba, kaya yun po."</p>
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results