Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Enzo Pineda admits to dating non-showbiz girl

by Bernie V. Franco
Feb 18, 2019
<p>Enzo Pineda talks about the non-showbiz girl that he is dating: "So, yung relationship namin was, like, built on trust and sincerity."</p>

Aminado si Enzo Pineda, 28, na may idine-date siya ngayong non-showbiz girl.

Ayon sa Kapamilya actor, ang idini-date niya ngayon ay negosyanteng may sariling clothing line at isa ring commercial model.

Gaano na sila katagal nagdi-date?

“Around a few months,” sagot ni Enzo sa press conference ng upcoming movie nila ni Winwyn Marquez, ang Time & Again.

Ginanap ang presscon sa 38 Valencia Events Place, sa may Quezon City, noong Huwebes, February 14.

Inusisa ang aktor kung mas gusto niya ng girlfriend na hindi taga-showbiz.

Tugon ni Enzo, “Sa totoo lang po, may point sa utak ko na gusto kong non-showbiz.

"Pero kung meron mang showbiz o non-showbiz na dumating, hindi ko naman puwedeng pigilan ang puso ko.

"And nagkataon lang po [na non-showbiz]. In a way, to each his own naman.

"Naa-appreciate ko pag non-showbiz, kasi I get to have my own private life, na something to keep for myself."

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Enzo na kung may karelasyon siya ay hindi niya ito itatago sa publiko.

Saad niya, “Pag may mahal ako, open naman ako to say na I’m in a relationship.

"But, of course, to each his own. It’s me.

“Gusto ko kasi parang open book ako sa mga tao para hindi na ako ma-caught off guard.”

ACCEPTING EACH OTHER

Puring-puri rin ni Enzo ang babaeng idine-date niya ngayon dahil nauunawaan nito ang trabaho niya bilang aktor.

“What I like about what I have now, alam mo yung pag dating, lagi kasing nangyayari, you put your best foot forward.

"Lahat ng mga good things about you, good traits, nilalatag mo na.

“And it always ends up the other way around.

“So, ito,” pagtukoy sa kasalukuyang idine-date, “'This is me. Ito ako. Kung tanggap mo ako, good. Magkakaayos tayo. Kung hindi, ayos lang. I respect that.'

“So, yung relationship namin was, like, built on trust and sincerity.

Continue reading below ↓

"So, right now, sa mga ginagawa ko, actually, full support kahit yung pagpu-post ko sa Instagram.”

Ang tinutukoy ni Enzo ay ang sexy photos niya sa Instagram.

Dugtong pa niya, “Trabaho ito. At the same time, nirerespeto niya kung ano yung mga goals ko sa buhay, and vice versa din naman ako sa kanya.

“Mahirap kasi pag sa relationship, maraming limitations, parang I think it’s the wrong kind of relationship.

“The best kind is you help that person become the best version of who or she or he is.”

Ang Time & Again ay ipalalabas sa mga sinehan simula sa February 20.

Read Next
Read More Stories About
Enzo Pineda
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Enzo Pineda talks about the non-showbiz girl that he is dating: "So, yung relationship namin was, like, built on trust and sincerity."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results