Maine Mendoza posts photo with Arjo Atayde for the first time

by Rachelle Siazon
Feb 20, 2019
In a rare moment, Maine Mendoza shows photo with Arjo Atayde to her Instagram followers.
PHOTO/S: @mainedcm Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, si Maine Mendoza na mismo ang nagbahagi ng larawan kung saan magkasama sila ni Arjo Atayde.

Kaiba ito sa mga pagkakataong namataang magkasama ang dalawa dahil madalas ay paparazzi photo ang mga iyon.

Makikita ang latest picture nina Maine at Arjo sa Instagram Story ng Eat Bulaga! Dabarkads, Miyerkules ng gabi, February 20.

Kuha ito sa official launch ng bagong make-up product na iniendorso ni Maine.

Nagpakuha sina Maine, 23, at Arjo, 28, ng larawan sa tila photo wall ng event na may nakasabit na wrecking ball.

Nakaupo si Maine sa wrecking ball habang ang Kapamilya actor ay nakatayo sa likuran ng dalaga.

Pareho silang naka-wacky pose.

Simpleng caption ni Maine: "uy, may fan."

Continue reading below ↓
IMAGE @mainedcm Instagram Story

Noong February 11, naiulat ang pagbahagi ni Arjo ng litrato ni Maine na noong panahong iyon ay nasa New York para sa lipstick brand na iniendorso ng Kapuso star.

Nasa U.S. din si Arjo noon dahil kabilang siya sa concert show ni Maja Salvador sa Virginia, U.S.A.

Nagpahiwatig noon si Arjo na tila ang pakikipagkita niya kay Maine ang "last stop" niya roon sa Amerika.

Bago ang pinaniniwalaang date ng dalawa sa U.S., nauna nang inamin ni Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a rare moment, Maine Mendoza shows photo with Arjo Atayde to her Instagram followers.
PHOTO/S: @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results